Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Leonard sabong sa Dec 22

0 120

Kita-kits agad sina LeBron James at Kawi Leonard sa salpukan ng dalawang Los Angeles sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 opening sa December 22 sa Barclays Arena sa Brooklyn, New York.

Tampok din sa pagtutuos ng Lakers at Clippers ang championship ring ceremony ni James at kanyang team na bumida sa huling season na natapos sa Orlando bubble dahil sa Covid-19 noong October 12.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang isa pang laro ay ang tapatan nina Kevin Durant ng Brooklyn Nets at Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Hindi pa pinalabas ni NBA Comissioner Silver Adam ang kumpletong schedules sa regular games nitong Miyerkoles. Pero may limang didribol na sultada sa Christmas Day.

Kakapirma lang ni James sa Lakers ng $85M (mahigit P4B)-two-year extension contract sa parehas na araw. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.