James malalaos sa pakikipaghiwalay kay Nadine

802

ROMMEL PLACENTE:Noong kasikatan ng loveteam nu’ng 80’s nina Maricel Soriano -Willian Martinez , Sharon Cuneta – Gabby Concepcion, ay bumaba ang popularity nina Wiiliam at Gabby . Ito’y nang mahiwalay sila kina Maricel at Sharon bilang kani-kanilang loveteam at karelasyon.

That time ay nagningning pa rin ang career ng Diamond Star at ng Megastar. Ang babae ang nanatiling sikat. Sa kaso ng hiwalayang James Reid at Nadine Lustre, ganundin kaya ang mangyayari? Na si Nadine, ay mananatiling sikat at si James ay malalaos? Or vice versa, na this time ay si Nadine naman ang babagsak ang popularity.

RONA RONDA: Nasubukan naman nang paghiwalayin sina James at Nadine sa ilang mga proyekto. At base sa kani-kanilang pelikula ay parang mas lalong sumikat si James Reid sa “Miss Granny”. Habang hindi naman masyadong kumita sa takilya ang mga pelikula ni Nadine.

Pero, iba ang sitwasyon ngayon dahil maraming basher si James. Maaaring makaapekto ito sa kasikatan niya. Mas marami ang nakikisimpatya kay Nadine.

MILDRED A. BACUD: Agree naman ako sa iyo ka-Cuatros na Rommel. Pero sa panahong ngayon unpredictable na rin ang manonood. Huling movie naman ng JaDine hindi na rin gaanong kumita . Maski ang huling serye nila ay hindi gaanong humataw sa ratings.

kahit sila pa noon medyo sumadsad na rin naman ang popularidad ng loveteam nila. Given the right projects lang talaga aangat pa rin sila individually. I believe hindi maaapektuhan ang pasosolo nina James at Nadine.

RODEL FERNANDO: Bihira sa magka -loveteam na kapag naghiwalay ay ang lalaki ang sumisikat. Isang halimbawa dito ay ang Guy and Pip, Vilma-Bobot, Sharon-Gabby at Maricel William. Napag-iiwanan talaga ang lalaki at nagpapatuloy ang career ng babae.

Dito sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre , mukhang dehado ang girl dahil mukhang maaapektuhan ang kanyang career . Lalo pa’t maraming kanegahan na ang naipukol sa kanya.

Huwag naman sanang mangyari dahil kawawa rin ang mga umaasa sa kanya. Pero dapat itong si Nadine ay gumawa ng hakbang para mawala ang hindi magandang pagtingin sa kanya ng ibang tao. Sayang naman dahil magaling siyang umarte at ito ang puwede niyang puhunan para tumagal sa showbiz.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...