Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James may ipasisibak

0 433

Matapos ang 114-121 pagkabigo ng Los Angeles Lakers sa Toronto Raptors Lunes (PH Time), hindi nagugustuhan ni NBA superstar LeBron James ang maaaring kahinatnan ng kanyang koponan sakaling magpatuloy ang pagbagsak nila sa standings.

Sa kasalukuyang kartadang 36-28 W-L, katabla ng Lakers ang Dallas Mavericks, Portland Trail Blazers para sa 5th, 6th at 7th spots sa siksikang Western Conference.

Isa lang ang sigurado sa tatlong team – isa sa kanila’y babagsak sa ikapitong pwesto at sasabak pa sa play-in tournament. Ang7th-10th seeded teams sa bawat kumperensya ang mga magbabakbakan sa huling dalawang playoff spot.

SM food to go Banner Ad

Hindi tinago ng four-time MVP ang saloobin sa play-in games.

“Whoever came up with that’s – needs to be fired,” ani James. “That’s wack, You’ve got to earn your spot to be in the postseason. No consolation for finishing last. That’s corny.” (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.