Abante Tonite Interactive

James-Nadine 2 years na ang relasyon

Going strong pa rin

Nadine Lustre at James Reid
5,152

AFTER two years, mu­ling mapapanood sa isang major concert ang real and reel loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre sa Revolution: The Jadine Concert sa February 9 sa Smart Araneta.

Gusto namin ‘yung sa same venue pa rin sila kunsaan, naging very memorable sa kanila during their first major concert at nagkaroon nga ng pag-amin na sila na.

Since then, sabihin man na dumaan ang relasyon ng dalawa sa ilang pagdududa noong una na for show lang daw na sila na, pero hindi talaga. Mga pangba-bash, hate at ilang intriga at mga indibiduwal na pinagdaanan, maituturing na isa sa pinakamatatag lalo na off-screen ang loveteam nila.

Sabi nga ni James, “I can’t believe it’s been two years.”

Sey naman ni Nadine, “Parang naka­kabigla na two years na pala. Hindi namin namalayan. Sobrang daming nangyari and then I’m just really thankful sa kanya (James).

“Ang dami ko pong natutunan. Ang da­ming nagbago sa akin.”

Malaking factor raw sa relasyon nila na sa loob ng dalawang taon, kahit hindi nawawala ang mga bashers or haters, hindi raw kasi sila nagpapaapekto rito.

“Siyempre may mga little arguments, mga away, pero palagi namang naaayos kasi before, hindi po talaga ko expressive. Hindi ako magaling makipag-usap, kaya ‘yun ang natutunan ko sa kanya,” saad pa ni Nadine tungkol kay James.

Para kay James, natutunan daw nila ni Nadine na bago matapos ang gabi, pinag-uusapan nila kung anuman ang nangyari sa buong araw nila.

“Usually naman we’re together everyday,” nakangiti niyang sabi.

Sa isang banda, more than pressure, mas excited daw sila sa concert nila nga­yon. Na mas maipapakita nila ang art and music side nila.

Mapapanood din na ipe-perform nila ang mga hits nila tulad ng Bahala Na at Para-Paraan at ang mga bago nilang sounds tulad ng Cool Down at IL2LU na sila mismo ang gumawa.

Lovi ‘totga’ ng mga  na-link  na baes

TAWA ng tawa si Lovi Poe nang sabihin nitong, “wala po yata akong TOTGA.”

Kasi, siya ang TOTGA o the one that got away ng mga naugnay sa kanyang lalaki?

“I did not say that, Ha ha ha!”

Pero naniniwala siyang siya ay TOTGA ng mga ito?

“Ang yabang ko naman kapag sinabi kong oo! Ha ha ha! Pero parang nakakatawa kapag sinabi nilang, alam mo, totga kita,” natatawa pa rin niyang sabi.

Hindi masagot ni Lovi nang diretso nang may magsabi rito na mukhang recent ex-boyfriend niya lang nagsabi sa kanya nun.

Nasisi tuloy nito ang bago nilang primetime series sa GMA-7 na The One That Got Away dahil mahirap daw talaga ang ganu’ng kuwento at ang daming maitatanong ng press sa kanila.

Bukod kay Lovi, bida rin sa serye sina Max Collins at Rhian Ramos at ang lalaking naugnay sa kanilang lahat na si Dennis Trillo.

Bago para kay Lovi ang role niya ngayon dahil sa kanilang tatlo, siya raw ang hindi lang sexy pero komedyante rin.

Sa January 15 naman na ang pilot nito pagkatapos ng Kambal, Karibal.