Abante Tonite Interactive

James, Nadine bokya sa proyekto

731

Aminado si James Reid na mahihirapan siyang makasama si Nadine Lustre sa isang proyekto. Ito’y simula nang umalis siya sa Viva Artists Agency.

Inamin ni James wala pa silang proyektong pagtatambalan ni Nadine.

Sey niya, “We’re waiting for things to settle down so we can work out how we can work together in the future.”

Mahirap man ay sinusubukan pa rin naman nilang mag-work ang lahat hindi lang para sa kanilang relasyon kundi maging sa kanilang tambalan.

Sinisigurado naman ni James na magkakatrabaho silang muli ni Nadine.

Kaya sey niya sa mga fan, “There’s no reason for us not to work together.” (Rona Ronda)