Abante Tonite Interactive

James, Nadine peke ang hiwalayan

1,041

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na fake lang umano ang break-up nina James Reid at Nadine Lustre? Ginawa lang daw ito ng dalawa para umano magkaroon ng spice ang kanilang relasyon and maybe para mapag-usapan.

Kung break nga naman ang dalawa, bakit kailangang parati pa rin silang magkasama sa maraming lakaran pagkatapos ng kanilang break-up kuno.
Iginiit talaga ng aming source na hindi totoo ang break-up ng dalawa.
Yun na!

Mrytle personal na nag-babu sa Dos

Personal na nagpaalam si Myrtle Sarrosa sa big bosses ng Star Magic bago siya lumagda sa Kapuso Network.

Ibinalita sa amin ng celebrity lawyer na si Atty. Ferdie Topacio na magkakaroon umano si Myrtle ng kanyang first intimate solo concert . Gaganapin ito sa Teatrino, Greenhills sa May 8.

Kasama rin umano ang singer-actress sa unang film project ng Borracho Productions ni Atty. Topacio,ang “26 Hours: Escape from Mamasapano” na nakatakdang idirek ni Lawrence Fajardo

Nangako naman si Atty. Ferdie na kapag pinalad, gusto niyang magtuluy-tuloy ang kanyang pagpu-produce ng pelikula and even live concerts of other artists.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Atty. Topacio ay isa ring singer at movie enthusiast at movie critic

Speaking of Atty. Topacio, nagkaroon kami ng pagkakataon na siya’y makapanayam para sa aming “Celebrity Talk” online show dito sa Abante Tonite at marami kaming na-diskubre sa kanya na hindi alam ng marami.