Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Nadine pinagsawaan na

0 2,845

MILDRED A. BACUD: Halos isang taon na pala ang nakakaraan ng tumambad sa bungad ng taon last 2020 ang break up nina James Reid at Nadine Lustre.

Although nauna ang Abante Tonite sa tsikang ito, January 20 last year lamang inamin ng dalawa ang hiwalayan at diniing walang third party involved. Heto namang pagpasok ng 2021 may malalapit sa dalawa ang nagkumpirmang nagkabalikan daw sila .Muling nagsasama raw sa bahay ni James sa Quezon City na binebenta no’n pero di raw natuloy.

Kaya naman nabuhayan na naman ng loob ang mga fan ng dalawa .Inaabangan na ang project nila together.

Pero sa estado ng aktres sa Viva mukhang malabo pa ito. Di ba nitong December ay nag-file ng lawsuit ang management niya laban sa kanya dahil umalis na lamang ito kahit may existing contract pa.

Mahirap nga ka-Cuatros ang ganitong sitwasyon ni Nadine.Dapat maayos muna ang gusot niya sa Viva bago sila magtrabaho muli ni James.

ROMMEL PLACENTE: Siguradong magiging happy ang mga tagahanga ng JaDine kung totoong nagkabalikan na sila. Pero totoo nga bang nagkabalikan na ang dalawa gaya ng claim ng isang malapit sa kanila? Sana ay manggaling mismo sa bibig nina James at Nadine na they’re playing sweet music together again para talagang matuwa ang mga nagmamahal sa kanila . Noong mag- break sila ay umaasa pa rin ang mga fan na magkabalikan nila.

Pero tama ka ka-Cuatros na Mildred dapat maayos muna ni Nadine ang problema o gusot niya sa Viva. Kung halimbawa ngang nagkabalikan sila ni James, malabong magsama sila uli sa isang proyekto.Hindi magagawang maoperan si Nadine ng proyekto na hindi dadaan sa Viva. Hanggang ngayon kasi ay may existing contract pa siya rito. Ito ang naging dahilan para idemanda siya sa ginawang pag -alis niya sa kumpanyang nagpasikat sa kanya nang hindi pa tapos ang kontrata niya rito.Dapat ay tapusin na muna niya. Then huwag na siyang mag renew kung talagang ayaw na niya sa Viva. Naiintindihan ko naman si Nadine sa ginawang pag -alis niya sa Viva.Ang papangit naman kasi ng mga huling pelikulang ibinigay sa kanyam no! Kaya pulos flop tuloy nung ipalabas tulad ng Ulan, na pinagtambalan nila ni Carlo Aquino

RODEL FERNANDO: Kung totoo man ang balitang nagkabalikan sila ay wa naman ker ang karamihan. Mas marami pa yata natuwa nu’ng nagkahiwalay sila. Parang napagsawaan na rin naman ang love story ng dalawang ito. Kaya, magkabalikan man sila o hindi ay hindi naman mararamdaman ng buong Pilipinas.

Siguro ang mas magandang bumalik ay ang ningning ng kanilang career. Sa totoo lang ay hindi na ganoon kabango ang karera ni James Reid. Kahit noong hindi pa nagsasara ang ABS-CBN ay nabawasan na ang kanyang popularidad.

Lalo naman itong si Nadine na dahil sa mga naging desisyon niya sa buhay ay naapektuhan ang kaniyang paga-artista. Mali ‘yung sinuway niya ang nagma-manage ng kanyang career. Ang buong akala niya kasi ay kayang-kaya na niya. Iba na ang panahon ngayon sa showbiz. Madali magsawa ang mga tao ngayon sa mga artista. Hindi katulad ‘nung time ni Nora Aunor na magpahanggang ngayon ay nandiyan pa rin siya. Almost 6 decades na siyang Superstar.

ROLDAN CASTRO : Masaya kung nagbabalikan ang JaDine. May pinagsamahan naman sila.

Pero kung makakabawi pa sila sa kanilang career ,ewan ko lang .

Mali ang desisyon ni Nadine na kalabanin at kumalas sa Viva. Sa dami ng mga artistang nagtangkang balewalain ang kanilang kontrata sa naturang kumpanya wala pang nagtagumpay na makaalis.

Matibay ang nilalaman ng kontrata ng mga artista nila kaya goodluck kung makakalusot siya.

Pero ngayong 2021 , sana magkaayos pa rin ang Viva at si Nadine.

Sayang ang pagiging best actress niya kung mabuburo lang siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.