Abante Tonite Interactive

James-Nancy serye mala-Korean drama ang atake

0 222

Challenging ang upcoming teleserye na ididirek ni Antoinette Jadaone. Kakaiba kasi ang gagawing atake sa darating na programa nina James Reid at Momoland member na si Nancy.

Hindi man ito ang unang pagkakataon na makakasama ang isang Korean star sa teleserye, kakaiba ang gagawing atake ni Direk Antoinette sa teleseryeng “Soulmate”.

Isusunod kasi nila ito sa format ng Korean Drama o ng US series.

Ani Antoinette sa isang panayam ng ABS-CBN News, “It’s a series because it’s 13 episodes. It’s not like how we do teleseryes na you do it per script every day, with a weekly script.”

Bukod sa pagdidirek, naatasan din siyang sumulat ng script. Hindi ito katulad sa tipikal na serye ng Pinoy na hindi alam kung kailan ang magiging ending.

Paano ito naiba sa ibang proyekto? Aniya, “There is more control sa kung ano ang mangyayari sa bawat character sa story. But also mas mahirap siya, kasi I realize it’s not the same as writing a film script, a screenplay. It’s different, it’s harder to write a series pala.“

Nakatakda itong simulan sa darating na 2020 at ang ibang eksena ay kukunan pa sa South Korea. (Rona Ronda)