Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Pierce tuloy ang away

0 87

Si LeBron James ang isa sa dahilan kaya nagkibit-balikat lang si Paul Pierce nang sibakin ng ESPN bilang analyst.

Napadali ang divorce ng NBA great at network nang mag-post sa Instagram Live si Pierce ng video na nakiki-party – inom, weed – sa strippers noong April.

Sa panayam ng Sports Illustrated, inamin ng Boston Celtics legend Martes na hindi maganda ang samahan nila ng ESPN.

“I was done with them, anyway,” aniya, via SI. “It wasn’t a great fit. There’s a lot of stuff over there that you can’t say.”

Isa pa, kailangan aniyang banggitin ang isang personalidad na mukhang ayaw niya:

“And you have to talk about LeBron all the time.”

Nag-abot pa ang dalawa sa NBA, sa second half na ng career ni Pierce habang nagsisimula nang mangolekta ng NBA rings si LeBron.

Mahigpit ang karibalan nila sa Eastern Conference.

One-time champion sa Celtics kasama sina Kevin Garnett at Ray Allen si Pierce, kabilang din sa 2021 class ng Basketball Hall of Fame. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.