Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James pinagtanggol si Westbrook

0 224

Sawa na si LeBon James ng Los Angeles Lakers na makabasa ng mga patama sa kapwa NBA star Russell Westbrook ng Washington Wizards.

Sa Instagram ni James, nag-post siya Huwebes ng larawan nila ni Westbrook matapos talunin ng Wizards ang Lakers, 116-107.

Dito pinagalitan ng four-time NBA MVP ang mga basher ni Westbrook, kung saan sinabi niya na dapat respetuhin sila ng mga ito.

“We know y’all hate & don’t appreciate but we just laugh it off! But 1 thing you will do is respect I it/us,” caption ni ‘King James.

Tumugon naman si Russ, “Straight like that brodie!”

Matagal ng sentro ng kritisismo si Westbrook, may ilang nagsasabi na ‘stat padder’ umano ito dahil sa dami ng triple double sa kanyang career. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.