Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James Reid, EXO Baekhyun sanib-puwersa sa concert

0 190

Trending sa Twitter PH si James Reid, pero sa ilalim ng kategoryang K-pop.

Magtatanghal kasi ang Pinoy actor-musician sa parehong online music festival na kabilang din si EXO singer Byun Baekhyun.

Gaganapin sa Setyembre 26 (7 am PST) ang “OVERPASS: The Virtual Experience” na dapat ay gaganapin sa California.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod kina Baekhyun at James Reid, magtatanghal din sa “OVERPASS: The Virtual Experience” sina WINNER rapper Mino, Yuna, Phum, Joy Crookes, Gray, Curtismith, at SOSUPERSAM.

Siyempre, hindi magkamayaw ang mga fan sa magandang balita.

May iba namang nagdalamhati dahil wala silang pera.

Nagkakahalaga ang GA Early Bird Pass nang $8 o P390, habang ang GA na may merch bundle (sweater, fanny pack, bucket hat, at disposable camera na may lanyard) ay $90 o P4,380.Gaganapin ang virtual OVERPASS concert sa Setyembre 26 (7 am PST). (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.