Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, San Beda buhay pa

0 29

Pumukpok si James Kwekuteya at San Beda Red Lions upang balasahin ang Mapua Cardinals sa overtime 73-67 at hiritin ang knockout game para sa second finals slot ng 97th National Collegiate Athletic Association senior’s basketball tournament The Arena sa San Juan Linggo ng gabi.

Bumirada ang Fil-Canadian ng 17 points at tig-4 assists at steals samantalang tinipa ni Ralph Panuela ang 11 sa 13 markers sa fourth quarter at OT upang manatiling pumapalag sa Final Four laban sa may twice-to-beat na Cards.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasayang naman ang 18 pts. at 13 rebs. ni Warren Bonifacio para sa Muiralla-based squad. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.