Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James wala pang kapalit kay Nadine

0 212

Kahit wala na sila, nananatili pa ring close sina Nadine Lustre and James Reid. Ito ang sinabi ng aktres sa kanyang panayam kay Boy Abunda last Tuesday sa YouTube show ng King of Talk na The Interviewer Presents.

Tinanong ni Kuya Boy kung nasaan si James sa buhay ni Nadine ngayon at ayon sa aktres ay okay pa rin sila and they’re friends.

“Honestly, tito Boy, he’s just been pushing me. He’s actually the one lining up all the things, all of the projects for me which I’m really grateful for because I wouldn’t have done it without him to be honest,” sey ni Nadine.

When asked kung friends ba sila, close friends, getting there or what, ayon kay Nadine ay close naman daw sila.

“I guess, it is what it is and you know, we have supported each other immensely like even though after (the break-up), like we’re so close pa rin. But I guess, it’s best not to put a line onto it. Yeah, we’re happy, we’re supporting each other, we’re pushing each other and I think, wala nang better answer than that, eh.

“Obviously, he’s contributing to my growth and in some way, I am with his as well, and that’s the only thing that matter,” she said.

For the record, si Nadine ay under James’ music label, Careless at siya rin ang producer ng upcoming virtual concert ng aktres.

Ayon pa sa aktres, nag-iba na raw ang mindset niya ngayon at hindi na nage-exist sa kanya ang mga attachment and ownerships to people. Kung mahal mo ang isang tao ay mahalin mo na lang daw.

“Because at the end of the day, that’s what we’re here for and that’s what we’re meant to do. We’re meant to show love to everyone else,” sey pa ng aktres.

Natanong din si Nadine if she’s seeing anybody now at natawa ang aktres.

“I’m definitely not seeing (anybody), I’m so busy, tito Boy. I’ve no time, plus I really told myself that you know, I’m not. . .I just wanna work on myself,” sagot niya.

Kung ano raw ang meron sa kanila ni James ngayon ito ay maihahalintulad sa kanyang bagong tattoo na nagsasaad ng “it is what it is.”

Ani Nadine, “just accept and it’s beautiful. Nothing complicated, it’s we’re all good, we’re all happy, we’re all growing.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.