Abante Tonite Interactive

James to the rescue kay Issa, dedma kay Lustre

827

Iba’t ibang espekulasyon ang inilatag ng mga netizen na nagsasabing third party ang sanhi ng breakup nina James Reid at Nadine Lustre.

Maging si James ay nagkomento na rin bilang paglilinaw na wala talagang kinalaman si Issa sa breakup nila.

Nagkomento siya ng heart emojis sa post ni Yassi. Sinundan niya ito ng paghingi ng tawad sa magkapatid.

Sey niya, “sorry you girls got dragged into this. There are some messed up people out there.”

Halo-halo naman ang reaksyon ng mga netizen. Hindi raw kasi umabot ng linggo bago mag-deny si James kaya’t mukhang hindi talaga involved si Issa.

May nagsabi naman na bakit sa Pressman sisters lang nagreak si James? Noong nadawit si Nadine sa mental health issue ng beteranong reporter na si Ricky Lo ay wala man lang siyang sey.

Ang siste sa iba ay parang dedma umano ang aktor sa nararamdaman ng kanyang ex-girlfriend.

Sey pa ng isang netizen, “Kaya nga nakipagbreak si Nadine not because of third party but because he doesn’t treat her well. Mas priority ni james yung career and squad nya .. lol.”

Ano’ng sey ni James sa hanash ng madlang pipol? (Rona Ronda)