Abante Tonite Interactive

James type paghubuin ng mga beki

By
4,795

James Reid does not mind daw the sexy photos and poses of his girlfriend Nadine Lustre.

Kami, and the rest of Bekibels Club, we mind. Hindi dahil sa hindi kagandahan ang arrive at pigura ni Lustre, kundi dahil nakaka-insecure na ang hitad! Siya na nga ang babaeng bukod tanging pinagpala sa lahat dahil ikaw ang kanyang kasintahan, tapos, here, there and everywhere pa ang pagmamaganda. Sobra na ito, Reid. Ouch na!

Arte ko much! Hahahaha. Kung ayaw mong magkapit-bisig ka­ming lahat at buuin ang Lakas Gurlis, puwes sa mga susunod mong mga proyekto, ikaw naman ang maghubad baro! Ang katawang lupa mo ang kryptonite namang mga diwata at sirena. Para sa ikatatahimik naming sangkabaklaan, hubad na James, now na! Kung bet mo ring maghubo, wala kaming pagtanggi. Hahahaha

Maine hindi kawalan sa showbiz

Nami-miss raw ni Maine Mendoza ang buhay estyudante. May tips pa siyang ibinibigay sa mga nagtatanong sa kanya tungkol sa buhay kolehiyo.

Menggay, kung talagang miss mo na ang pag-aaral, puwede ka pa namang mag-aral muli. I am not undermining ‘yung culinary arts course mo ha, lalo na nga’t pangyayamanin ‘yun. What I am trying to say is, puwede kang mag-aral ng International Studies, Comparative Literature. Creative Writing o kaya para todo na sa yayamanin category, Arts Restoration o kaya Arts and Culture Ma­nagement.

Mas mainam sa iyo na magbalik-loob sa pag-aaral. Hindi ka pa naman masyadong kawalan sa showbiz, huh!

Gretchen tigilan ang botox

Ang paghihinto ni Gretchen Baretto and her ilk sa kanilang major, major kiyemeng gift giving to the descami­sados.
After you hags laughed liked hyenas in a video that showed to the whole world how insensitive you are, lang naman na ihinto niyo na ito.
Kung gusto niyong manalig ang dabarkads at madlang pipol sa kabutihang loob niyo, huwag itong ianunsyo sa kahit na anong social media site at hayaang ang mga tinutulungan niyo ang magpalaganap sa mga balita ukol sa inyong kabutihan.
Puwede niyo na ring itigil ang pagpapa-botox. Hindi na kaila­ngang ipaliwanag kung bakit.

Jeric nanga­nganib maging ‘The Who’

Si Jeric Gonzales, ang studlet na naramdaman lang talaga natin ang presensiya nung siya ay naging leading man ni Ken Chan sa Destiny Rose, may dramang respeto ang hinihiling sa isang fan patungkol sa ‘relasyon’ nila ni Pauline Mendoza.

The WHO si Pauline Mendoza? ‘Yun na! Kaano-ano kaya siya ni Maine Mendoza? Parang bagay iyang sina Pauline at Menggay na ma­ging The WHO times two noh! Hahahaha!

At ikaw naman Jeric na nanganganib na namang maging The WHO forever is not enough, magbalikan na lang kayo ni Ken Chan sa isang pink serye at sigurado akong tanggal na tanggal kayong dalawa ni Chan sa listahan ng mga The WHO. Gonzales, karera muna ang asikasuhin, huwag muna ang babaeng ‘yan.