Abante Tonite Interactive

James, Vice, Moira walang ‘K’ maging hurado

605

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng ipapalabas pa lamang na “Idol Philippines,” parang hindi off to a good start, huh! Bakit kaniyo? Kasi maliban kay Billy Crawford na panalo namang host at si Regine Velasquez-Alcasid na talaga namang ang Phi­lippines’ Premiere Diva, major-major sablay sila sa iba pang mga hurado.

Unahin na natin ang pinakabago, si Moira dela Torre. Gaano na ba kahanga-hanga ang kanyang body of work bilang mang-aawit? Ang kanyang istilo sa pagkanta, ‘yung parang nanghihinamad, inaantok na pag-awit, at mga kantang halos pare-pareho ang tunog, ‘yung tatamarin ka at aantukin matapos mapa­kinggan, sound choice ba na maging ­hurado si Moira?

Ang nakakapagpaarko sa kilay, ang pagiging hurado ni James Reid. May kanta ba kayong naalala na inawit ni Reid na puwedeng sabihin na ang kanyang musika ay sadyang kay ganda? Can he even deliver or sing a ballad na live ang rendition? Hindi ba, may chika dati na by the magic of auto tune ang kanyang pag-awit? Ang mga kanta ba ni Ariel Rivera, Joey Ayala o maski ni Ely Buendia, maayos niyang awitin? Paki-explain talaga na kunwari kindergarten tayong lahat para maarok natin kung bakit may karapatan si James na maging judge sa isang pangmalakasang singing contest?

Eh ang baklang tiyak na kung hindi magwi-wig at walang kay kapal-kapal na makeup, si Vice Ganda, anong karapatan niyang maging judge? ‘Yung mga novelty songs niya ba, sapat na para sabihing mapagkakatiwalaan siya sa pagpili sa isang mahusay na mang-aawit?

Sa mga talent search dati na naging hurado siya, ang mga grand winner nito? Nasaan na? May sumikat ba? May umalagwa ba talaga ang karera? May relevant pa ba hanggang ngayon? Ang kanyang comedy bar experience ay sapat na karanasan ba para masabing alam niya ang tunog at look of a singer na puwedeng sumikat at mapanatili ang pagsikat?

Saka, andiyan pa si Sarah Geronimo, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Morissette Amon, Jonalyn Viray at Angeline Quinto, Jed Madela, Eric Santos, ang sampu-samperang “Tawag ng Tanghalan” winners, ang mga nanalo sa “The Voice,” isama na ang kids and teens, may Ate Chona pa rin, wala naman tayong kakulangan at panga­ngailangan para sa isa na namang mang-awit.

Ang dami ring world class performers na puwedeng gawing judge, kesa si Moira, si Joanna Ampil. Kesa si James, si Arman Ferrer o si Reuben Laurente.

Kung sa set of judges pa lang, parang lokohan na, seseryosohin pa ba natin ang contest na ito na alam naman nating text votes ang nagdedesisyon kung sino ang dapat mag-viktoria?
***

Kris nagsayang ng laway kay Phillip

Kahit pa nga nagpaumanhin na ang isang senatorial aspirant na may birong wala sa hulog, the harm has been done.  And no amount of apology will erase the fact na ang natuyong sugat sa puso ni Kris Aquino ay inyong binakbak muli kaya ayan, you gave her fuel para makapag-aria.

Sa malalapit kay ­Phillip Salvador, sana payuhan ang actor na dedmahin na lang ang ariang ito ni Kris. Water under the bridge na naman ang lahat sa kanila. At alam din naman nating he has served his purpose as a sperm donor.

Oo, Aquino speaks her mind and heart all the time pero sana, sa usa­ping ito, mas pinili na rin niyang tumahimik alang-alang na lang sa anak niyang si Josh Aquino.

Literal na she was shoving her dirty linen in public and by making it appear na hindi ginagawa ni Salvador ang kanyang mga responsibilidad is old news na hindi na dapat inuungkat pa.

Kung ang tanging kasalanan mo lang ay being a 23-year-old virgin na nagmahal, eh ‘di fine.

Maraming mas mainam na gawin sa buhay kesa pakinggan o panoorin namin ang iyong mga lamentation na dapat wala to begin with kaso, nagmahal ka nga, ‘di ba?

Kaya shut up na Krissy! Wala namang maitutulong ang drama mo para lumakas ang piso laban sa dolyar.
Ang mga sentimyento mo sa katotohanang nagpakupi ka kay Ipe, ang presyuhan para sa kuryente, tubig, bigas at pagkain, ganu’n pa rin, hindi naman natinag.

Marumi pa rin ang Ilog Pasig, ang viruses sa Manila Bay at Baseco Beach, sandamakmak pa rin kahit ikaw ay nagtatalak.

Ang traffic sa EDSA, mukhang forever na. Kung wala kayong forever ni Philip at forever siyang hindi nakatulong kay Joshua, eh ano naman. Bakit ba kaila­ngang ang problema o ang mga drama mo ang dapat eh parang may pambansang kahalagahan?

By opening all cans and letting out the worms, sinayang mo ang enerhiya mo sa walang kakuwenta-kuwentang bagay.