Abante Tonite Interactive

James walang selos factor kina Sam-Nadz

365


Ayon kay Nadine Lustre, wala naman daw dapat ipagselos ang boyfriend niyang si James Reid sa mga eksena nila ni Sam Concepcion sa dance musical film na “Indak”. Unang-una ay magkakaibigan sila noon pa man at masaya nga raw ito para sa kanila.

“Kahit po meron, hindi po magseselos ‘yun,” natatawang sey ni Nadine at the presscon, “parang mas okay na siya with Sam than iba.”

In fact, ani Nadine, dahil nga magkaibigan na sila ni Sam even before, hindi naging mahirap sa kanila ang maki­pagtrabaho sa isa’t isa.

Ganu’n din ang sina­sabi ni Sam. “If anything, para pong naging mas madali, mas naging fun. Masaya siya na experience dahil sa tagal na­ming magkakilala, nga­yon lang kami nagkasama onscreen,” he said.

Dagdag pa ni Sam, dito raw niya nadiskub­re na very professional katrabaho si Nadine and works really hard.

“Nadine’s very professional. She wouldn’t be winning two awards in a span of couple of months kung hindi siya ganu’n kaseryoso sa trabaho. Which made it very easy, of course to work with her,” ani Sam.

Napanood na nga raw ni James ang trailer at excited na rin daw ito.

Pagkatapos ng “Indak” ay magiging busy naman si Nadine sa Metro Manila Film Festival movie nila ni Aga Muhlach mula sa Viva Films pa rin. Sa ngayon ay inaayos pa raw ang mga schedule nila at excited na nga raw siyang makatrabaho ang aktor.

“Sobrang excited. Syempre, legend na po ‘yun, eh, icon na po siya sa industriya natin, so, exciting,” sambit niya.

At dahil nga matagal na silang walang pro­ject together ni James, naiinip na ang JaDine fans at nagalit sila after the announcement of Nadine-Aga movie dahil buong akala raw nila ay ang “Spellbound” na ito na reunion movie ng JaDine.

“Well, I get naman po na, alam n’yo po ‘yun, medyo matagal na po kami ni James na walang project together sa big screen or kahit sa TV, but I don’t think we should rush things.
“Ako po kasi, naniniwala na may right timing for everything, so hindi naman kailangang magalit, ma-disappoint or anything. Darating po ‘yun. Antayin lang natin,” saad ng aktres.
Sa ngayon daw kasi ay naka-on hold pa ang “Spellbound” at hindi pa raw niya alam kung ano ang plano.
“So ngayon po kasi, mas focused ako sa ‘Indak’, kasi ito ‘yung nandito na, eh.”
Si James naman daw ay mas naka-focus ngayon sa music.
Showing na sa mga sinehan ang “Indak” sa Aug. 7 mula sa direksyon ni Paul Alexei Basinilio. Kasama rin dito sina Vitto Marquez, Race Matias na anak ni Herbert Bautista at marami pang iba.

Ken hirap magpaka-sosyal

Kasalukuyan nang pinaghahandaan nina Ken Chan at Rita Daniela ang kanilang bagong serye sa GMA-7 titled “One of the Baes”. Medyo mahirap kasi ang kani-kanilang papel, especially ang aktres na gaganap na aspiring seafarer.
“Yes, isa ‘yun sa mga nakakakaba, especially kay Rita, kasi ‘yung story namin it’s about marine industry, malaki ang pagkakahalintulad ng marine sa military,” pahayag ni Ken in his recent interview.
“So, ‘yun ang kaila­ngan naming paghandaan, especially si Rita, kasi ‘yun ‘yung magiging story niya rito, nasa marine industry at maraming physical activities na mangyayari,” dagdag pa niya.
Habang siya naman, environmental blogger ang kanyang papel na isang challenge rin sa kanya.
“Napi-pressure rin ako sa character ko dahil sos­yal at mayaman, medyo du’n naman ako nahihirapan. Pero mapagmahal naman siya,” sey pa ni Ken.
Ang “One of the Baes” ang follow-up teleserye nila ni Rita matapos ang “My Special Tatay”. Kinakitaan ng matinding chemis­try ang kanilang love team kaya naman nag-decide ang management na bigyan sila ng sariling tele­serye na siyang clamor din ng kanilang fans.(Vinia Vivar)