Abante Tonite Interactive

James Yap hinahanting ng bilyonaryo

5,874

Bad trip daw ang kila­lang bilyonaryong negos-yante sa bansa sa ex ni Kris Aquino na si James Yap.

Feeling kasi ng negosyante, may namamagitan sa guwapong basketball player at sa kanyang ‘other woman’ na isang seksing modelo.

Ayon sa source ng Tonite, alaga raw ng bil­yonaryo itong seksing modelo na minsan na ring nagpasilip ng kanyang katawan sa isang men’s magazine.
Binahay niya ito sa isang condo sa Metro Manila at may sariling kotse as in buhay prinsesa ang hitad.

Kada buwan, P1.5 mil­yon ang sustento ng modelo mula sa bilyonaryo. Ibig sabihin, kaya nitong gumastos ng P50,000 kada araw.

May pamilya na itong bilyonaryo. In fact, guwapa rin ang kanyang misis.
Pero sa kabila nito, naghanap pa rin ng ibang ‘putahe’ ang bilyonaryo sa katauhan nitong modelo.

Napapanood din sa telebisyon ang modelo at magaling gumiling kaya nagustuhan nitong bil­yonaryo.

Isa sa ginagawa ng modelo para maging
physically fit ay ang pag­lalaro ng tennis.

Ito namang si James, madalas daw tumambay sa tennis court kaya doon nagsimula ang tsismis sa dalawa.

Nakarating ang tsismis na ito sa bilyonaryong negosyante kaya pinaim­bestigahan niya ito sa kanyang mga tauhan.

May pagkakataon na pinuntahan pa ng mga bata ng bilyonaryo ang tennis court para lamang kumpirmahin ang nakarating sa kanyang tsismis.

Pero negatibo ang kanilang operasyon dahil wala doon si James.

May dalawa nang anak si James sa kanyang Ita-
lian girlfriend na si Michela

Cazzola. Kung dinigahan niya itong modelo, alam kaya niyang may nagmamay-ari na rito?