Abante Tonite Interactive

Jamie Lee Curtis pinangaralan ang FOX News

By
221

Binuweltahan ng Halloween actress Jamie Lee Curtis ang report ng Fox News na siya ay gun control hypocrite.

Aniya, nonsense umano ang ibinalita ng Fox News. Nilinaw niya na ang seeking gun control ay hindi katulad ng anti-gun kung saan sinabi ng FN, “never even reached out to her for her views.”

Si Curtis ay busy sa pagpo-promote ng kanyang pelikulang Halloween. Pero ang istorya ng Fox News ay pinipilit siyang harapin ang akusasyon hinggil sa gun control hypocrisy.

Abante Hiring – IT dep

Sambit ng aktres sa USA Today na ang istoryang lumabas ay nonsense. Dagdag pa niya, “They were tr­ying to make a point without ever asking me what I really think.”

Ito ang nakasaad sa article ng Fox News: “Curtis’s on-screen actions stand in contrast to her real-life persona as an advocate for gun control – one of se­veral Hollywood actors who use firearms in their films while prea­ching against them away from the set.

“In light of several high-profile mass shootings, Curtis has voiced her support for gun reform legislation.”

Sabi ni Curtis, malamang daw ay hindi lubos na naunawaan ng manunulat ang ibig sabihin ng gun control at gun reform. Pina­ngaralan ng aktres ang FN. Nagdesisyon siyang offeran ang network ng mabilis na edukasyon na isa sa favorite topics nila.

“I am vocal about common-sense gun safety and gun laws,” wika niya sa USA Today. “For instance, I fully support an assault weapon ban, I fully support a bump stock ban.” But neither of those things are supporting a ban on guns.

Wala naman daw problema kung may mga pag-aaring firearms ang mga tao as long as dumaan sila sa training, may lisensiya at background check.

“And they have to renew their license just like we do with automobiles – which are weapons also.”

Sinabihan nga raw niya ang Halloween filmmakers na maging maingat sila sa paggamit ng baril dahil ang character niya ay didepensahan ang sarili at pamilya.

Lahad pa ng aktres na ang pakikipag-argumento niya sa Fox News ay parang wala ring kabuluhan.

“In fact, Twitter had a field day trolling Fox News for this stupid argument,” pagtatapos ng Halloween actress.