Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jamie urong-sulong sa diet

0 195

Naguguluhan si karate star Jamie Christine Lim kung ipagpapatuloy pa o titigilan na ang pagdidiyeta.

“After taking this photo. I keep asking myself, should I continue doing strict diet?,” caption ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 gold medalist sa pinost na litrato Miyerkoles ng gabi sa kanyang Instagram account.

Hinirrit ng dalaga: “Bwahaha! But my stomach keeps saying, I want burger, I want samgyeopsal, I want steak, I want fries, I want nuggets and of course sweets! Good evening! Keep spreading good vibes and Stay safe.”

Hindi naman chubby ang 23-year-old, 5-foot-3, Manila native karateka sa kanyang mga kuha sa IG. Fit siya patunay na pumangatlo pa sa noong June 23-26 na 2020 PH Olympic Day Move Challenge online.

Sapul nang magka-COVID -19 sa bansa noong Marso, tuloy lang sa self-training ang nag-iisang anak nina Philippine Basketball Associuation (PBA) great Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. at dating Pag-IBIG chied Darlene Berberabe sa pagpapakasakaling matuloy ang mga Olympic Qualifying Tournament ngayong taon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.