Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jane amoy rambulan kay Ruru; Kapuso ‘di nasindak kay ‘Darna’

0 385

Malakas ang bulung-bulungan na magwawakas na ang longest running TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin . Ito ay pagkatapos na mamayagpag ito ng humigit-kumulang ng pitong taon.

Sa panahong iyon, hindi lang namayani sa ratings ang nasabing spin-off ng blockbuster movie ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr.

Kumbaga, banat na banat na ang story nito at kailangan na itong magbabu sa ere.

Napapabalitang ang “Darna” ang papalit sa slot na mababakante ng show ni Coco.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ang ikatlong bersyon ng Darna series na ang unang dalawa ay ginampanan nina Angel Locsin at Marian Rivera sa GMA-7.

Sa kabilang dako naman, hindi raw naman pasisindak ang GMA-7 dahil may nakahanda silang alas na pantapat sa nasabing fantaserye ng ABS-CBN.

Ang dambuhalang adventure serye raw na “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid ( his biggest break) ang ipangtatapat ng Kapuso network sa nabanggit na TV series ni Jane.

Kaya naman, sa kanilang rambulan, sino raw kaya sa dalawa ang mamamayani ang respective shows sa ratings game. Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.