Jane-Arron nangangamoy balikan

1,220

ROMMEL PLACENTE: Naging girlfriend ni Arron Villaflor si Jane de Leon, na siyang napili ng Star Cinema, para gumanap na bagong Darna sa pelikula.

At dahil maganda naman ang paghihiwalay nila noon, kaya binati niya ito thru text.

“Kinongrats ko siya. Nag-reply naman siya.”

Happy si Arron na si Jane ang napili sa role na Darna.

“Unexpected ‘yun at very surprising ‘yun for her. Saka gusto niya rin talaga ang maging Darna.”

Sabi ni Jane, kung sakali raw siya ang mapili para gumanap na leading man nito sa “Darna”, ay okey lang dito. Trabaho naman daw ‘yun at walang personalan. Siya ba, willing ding makatrabaho si Jane?

“Oo naman. Sa akin naman, kung ano man ‘yung nakaraan, tapos na ‘yun sa akin, eh. Siyempre, I’m looking forward to work with her.”

Sayang lang mga ka-Cuatros, na hiwalay na sina Arron at Jane. Kung sila pa rin kasi hanggang ngayon, siyempre, magiging proud na proud si Arron. Maipagmamalaki niya na ang girlfriend niya ay ang Darna ng bagong henerasyon, ‘di ba? At siguradong kaiinggitan siya ng mga kalalakihan.

Samantala, isa si Arron sa endorser ng Prestige International, na ang CEO ay si Mr. Mannix Carancho. Kaya naman sa Unstoppable 2020 event nito, na ginanap sa Okada Manila noong Friday ng gabi, ay dumalo siya. Sumayaw siya with back-up dancers.

Tatlong taon na ang mestisong aktor sa Prestige International. At nagpapasalamat siya na hindi pa rin siya tinatanggal o pinapalitan bilang endorser.

>

“Sabi ko nga kay Sir Mannix, ‘Buti hindi mo ako tinanggal ‘no!’ Natawa siya. I’m very thankful and grateful na nandito pa rin ako sa family ng Prestige, because of Sir Mannix. So thank you for the trust and for the friendship,”sabi ni Arron nang makausap namin siya with ka-Cuatros Mildred at Rodel after ng kanyang production number.

MILDRED BACUD: The break-up was a mutual decision, sabi pa ni Arron patungkol sa isang taong naging relasyon kay Jane de Leon. Dagdag pa niya, “‘yung age din kasi siguro. 8 years din ‘yung gap. Nagsisimula pa lang siya halos sa career. Marami pa siyang gustong gawin at ako naintindihan ko naman.”

Wala pa rin namang girlfriend ang aktor ngayon, ganu’n din ang ex na si Jane kaya sa tanong kung may posibilidad na magkabalikan sila, sey niya, “Tingnan natin. Hindi rin natin masasabi but for now focus muna sa career lalo na sa kanya na dumating ‘yung big project as Darna.”

Happy raw si Arron na dumating na nga ang malaking break sa dating kasintahan. Mahahangad lamang niya na magtuluy-tuloy na ang ganda ng career nito.

RODEL FERNANDO: Happy si Arron sa kaganapan ngayon ng career ng dating nobya. Pero siguradong may panghihinayang pa rin sa naunsiyami nilang pagmamahalan. Hindi man aminin ng aktor pero sa puso niya ay naroon pa rin ang dalaga.

Ang kagandahan na lang ay naging maganda ang kanilang paghihiwalay kaya puwede pa silang magkabalikan kung sakali. Pareho silang single. Sana ay magparamdam muli ang binata sa dalaga.

RONA RONDA: Naku! Base sa sagot ni Arron at sa single status niya ngayon, hindi malabo na makipagbalikan siya sa ex-girlfriend.

Hindi biro ang big break na ibinigay para kay Jane, and for sure hindi siya ang pipiliin para sa iconic role na Darna kung hindi siya deserving para dito.

Gayong maayos naman pala ang naging hiwalayan nila, wala siguro silang bitterness sa isa’t isa. Wala rin naman kaso kung malaki ang agwat nila. May kasabihan nga ‘di ba, love is much sweeter the second time around.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...