Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jane inupakan sa ‘Darna’

0 298

Ni:BETH GELENA

Hindi pa naipalalabas ang Darna: The TV Series pawang bad comments na ang mababasa mula sa mga netizen.

Unang-una ay ang akting ng bidang aktres na si Jane de Leon.

Bakit daw siya ang kinuhang Darna gayung marami raw namang young stars na mapagpipilian ang ABS-CBN.

Kulang na kulang daw ang emosyon at facial expression ni Jane na napanood nila sa trailer.

Mabuti na lang daw at si Iza Calzado ang kanyang kaeksena kaya nasasalo siya ng magandang aktres.

“All out na acting ni Iza but si Jane, dead eyes lang. Walang napigang emotion.”

“Bakit parang ayaw nyang ibuka ang bibig nya parang nacoconscious na pumanget?”

Isa.rin daw sa nakatulong sa ‘Darna’ ay si Joshua Garcia

“Dilat mata acting din pala to si Jane. Pero dead ang facial expressions.”

“Hilaw pa sa facial expressions. More workshop pa please. Wondering why sya kinuha when there are better actors out there.”

“True! Puro sya dilat mata haha parang jessy mendiola levels yung actingan”

Tuloy may nagbiro ng “Ang huling dalawang linggo”

May nagsasabi namang hindi nabigyan ng justice ang pagsigaw ng DARNA ang lamya raw ng dating.

Hindi pa naman literal na napapanood ang Darna: The TV Series kaya bigyan na lang muna ng benefit of the doubt ang akting ng isang Jane de Leon.

And hopefully, hindi siya lamunin nang buo ni Janella Salvador sa aktingan..

Si Janella ang gumaganap na mortal enemy ni Darna, si Valentina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.