Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jane, Keann romansahan nagparamdam

0 461

Ang Darna of the millennial generation, si Jane de Leon, iniintriga ang closeness kay Keann Johnson. Magkasintahan na ba talaga silang dalawa o sadyang vocal lang itong si Johnson sa pagiging malapit nila sa isa’t-isa?

Sa IG post kasi nitong si Johnson nu’ng kaarawan niya, ang sinulat niya patungkol sa this generation’s ‘Ding, ang bato dali!’ girl: “To the constant girl in my life jaKe @imjanedeleon —you always manage to give me love in ways I am not worthy of, but get from you anyway. Thank you for all of this.. I am forever frozen in time .Today, creating all these memories with you. I love you to pieces always.”

Kasama pa siyempre sa IG post ang mga larawan na captured talaga ang undeniable sweetness na meron sila ni Jane.

Ang huling hirit ni Keann sa post ay: “Thank you for being the Best Friend in the world to me. It’s everything.”

Ay! Maniniwala lang ba tayo na “kaibigan lang pala” ito na mala-kanta ni Lilet dati o lumelevel ito sa pagiging mag-best friends nina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano?

The WHO times two sina Peralejo at Feliciano? Naman! Hindi sila ka-level nina Keann na URIAN best actor nominee at next in line super TV star na si Jane, huh!

At kung pagmamasdan ang kanilang mga larawan, puwedeng best friends now at mag-dyowa later sina Jane at Keann. Hindi ba nga, friendship is the best foundation of a relasyon?

Kaya kung aariba sa romansahan ang pagiging mabuting magkaibigan nina Jane at Keann, palakpakan na may kasamang sigawan .

Marian kakabugin si Beatrice

Ang first lady ni Dingdong Dantes, si Marian Rivera, hindi kaya mapagkamalang kandidata sa Ms. Universe na mangyayari sa Israel?

Alam na alam na nating lahat na isa ang Kapuso Primetime Queen na magiging hurado sa number one timpalak pangkagandahan sa buong sansinukob. Sa IG nga ni Mrs. Dantes, ang kanyang reaksyon dito ay “Honored” with matching hashtag na “grateful.”

Almost 200K na ang tuwang-tuwang sa pagkakahirang ni first lady Marian bilang hurado.Isa itong patotoo na talagang nagluluningning pa ang kanyang estrella power bilang aktres .Marami ang talagang nanalig sa kanyang pagkilatis sa kung sino ang babaing confidently beautiful with a heart na nakikita ang silver lining even in the most impoverished of things, hindi ba naman?

Ang diva that you love, excited na malaman kung sino ang mapalad na haute couture designer na lilikha sa evening gown ni Marian.

At ano kaya ang kulay, disensyo at istilo nito, pati na ang kanyang mga aksesorya na isusuot. Dapat lang na the best of the Philippines ang gayak ni first lady Dantes, huh.

Dahil nga may hinhin na tangi at dakilang ganda si Marian , ang wish ng lahat ng mga diwata at sirena, hindi niya masapawan ang ganda ni Beatrice Gomez, huh!

Mas pinag-uusapan pa na hiwalay na pala ang dekolor at puti ni Gomez sa dyowa nitong lesbian. Pati na rin ang nawala niyang mga maleta sa Israel kesa sa chances niya of becoming the next Pinay MU, hindi ba naman?

Hail to the queen and first lady Marian Rivera-Dantes. Iba talaga ang ganda ng mga Filipina, sa true lang!

Sharlene, Ricci ayaw paawat

Back to back ang pag-trending sa Twitter ng mga pangalan nina Sharlene San Pedro at Ricci Rivero.

Magkasama sila sa isang proyektong ang pamagat “Happy Times,” isang teen flick na tampok din ang mag-best friends diumano na sina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano.

Ang “Happy Times” kaya ang magpapaliwanag sa mga estrella nina San Pedro at Rivero ?Tatanggapin kaya sila at itatanghal ang kanilang pagiging love team on the rise?

Kilig na kilig ang kanilang followers sa posibilidad na hindi lang sila hanggang pang-love team lamang. Humohopya ang kanilang mga hukbo na ang kanilang we are getting to know each other stage eh mauwi sa tunay na pagmamahalan at relasyon.

Juice colored! Mga ineng at totoy, talagang lahat na lang dapat ba maging mag-dyowa ngayong may pandemya pa tayo at nakaamba pa nga ang nagmamalditong Omicron veerus, huh!

Ang diva that you love, hahayaan ko na lang ang inyong mga pantasya dahil libre naman iyan. Sana lang pag ipinalabas na sa kung saang medium ang pinagsamahan nina Sharlene at Ricci ay panoorin niyo talaga. Make sure na kikita ito. Huwag namang pulos sa social media post lang nagmamagaling pero deadma naman sa panonood, hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.