Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jane kinutya sa kuda

0 577

Kawawang Jane de Leon. Wrong timing ang kanyang bubbly, chirpy and positive na kuda tungkol sa mga kaganapan sa paligid.

Para sa mga taong gigil na gigil dahil sa galit, ang kanyang drama na “Masama po bang maging positibo lang sa ating pananaw sa kabila ng kahirapan at paghihinagpis?” ay sadyang wala sa hulog at para bang kahit kailan sa kanyang buhay, hindi siya dumaan sa dusa, hilahil, hirap at pagtitiis kaya ang sentro ng kanyang pagkatao at pagkababae, hindi natitinag.

Kumukuti-kutitap pa rin ang kanyang mga mata kahit pa nga may 11,000 tao na ang trabaho ay nawala. Isama mo pang may luningning ang kanyang pagmamasid dahil kahit pa halos 70K na ang may COVID 19 affliction, hindi siya nababahala o nababagabag. At kahit pa trilyon na ang inutang ng gobyerno nacional, na pati kaapu-apuhan niya, siguradong magbabayad sa pamamagitan ng mga pangmalakasang buwis, hindi niya minamasama ang mga ito dahil nga positibo ang kanyang pananaw.

Juice colored! How shallow is this millennial Darna? Parang pag nilunok na niya ang makapangyarihang bato, parang mas marami-rami ang mas gugustuhing mabaliukan na lang sana siya.

Yes, marami naman ang sumasang-ayon sa kuda mong prayers are the most powerful weapons in this time of crisis pero girl, parang hindi mo na yata tanda ang kasabihang “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Iyan bang pagigiging Darna mo, dasal ang tangi mo lang puhunan? Hindi ba may kaakibat iyang ganda, halina, sipag, tiyaga, pagod, puyat, pawis at talent na malaking bahagi ng “gawa” equation? Sobrang swerte mo ba na handpicked ka by the Lord kaya ibinigay sa iyo ang katauhan? Hindi ba’t sangrekwa kayong nag-audition bago napunta sa iyo ang role? Hay, iha…walang masama sa pagiging positibo pero mas panalo kung ikaw ay sensitibo at may malasakit sa mga tao sa paligid mo.

Sarah pinagdudahan ang statement

Hindi na dapat pang nagsalita si Sarah Geronimo-Guidicelli tungkol sa mga nangyayari sa kanyang dating network, sa true lang.

Kung pinangatawanan na niya lang ang pananahimik at hindi inintindi ang kaliwa; t-kanang pagtatanong at pagtataka dahil walang linaw ang kanyang posisyon, mas mabuti for her emotional health.

Kasi, ang mga nagmamarunong, pinagdudahan na siya ang sumulat ng kanyang pahayag. Ang mga nagmamaganda, hindi makapaniwala na kayang niyang ipahayag ang kanyang saloobin in perfect Filipino na At siyempre ang may mga pribilehiyong magsuplada, ang reaksyon, “She should have perfect first making cinnamon pancakes or cooking the piatti cimello della nonna di Matteo before she even engages or comments about the panorama politico attuale. “

Well, what is done, is done and wala namang masama kung inilabas ni Signorina Guidicelli ang kanyang damdamin at saloobin. Lagi kong sinasabi, nasa demokrasya tayo at may karapatan si Sarah na maging totoo at magpakatotoo.

Sa mga nagdududang hindi siya ang sumulat nito, sige na nga, kayo na ang dalubhasa sa wikang pambansa. Magmaganda ba kayo ayon sa inyong ganda, hindi niyo pa rin kayang tapatan ang ganda ni Sarah Geronimo-Guidicelli, huh!

Tony, JC click ang jowa payanig

Ang mga fan ng XavMi ( Xavier at Mico) ay nagbubunyi at ayaw paawat ang nararamdamang kilig.

Kasi naman itong sina Tony Labrusca at JC Alcantara, na siyang nagbibigay katauhan sa dalawa, grabe ang paandar sa Facebook pages nila.

Kung ibinalik na dati ang mga larawan, kayo na ang dumiskubre. Ang FB page ni Alcantara, ang profile picture na masisilayan ay ang mukha ni Labrusca at may post na “Hacked by Xavier” at tagged si Tony. Sa page naman ni Labrusca, you guessed it right, ang imahe naman ni JC ang inyong matutunghayan with matching “Hacked by Mico.”

Kaya ang mga faney, ang imahinasyon naging ballistic. May emote na sa kanilang pakiwari, talagang nagdi-date na ang mga bida, Meron ang gusto, magmura ng pangmalakasan kasi hindi na nila ma-contain ang kanilang kilig. At yung iba, kahit may kwestiyon sa kanilang harutan, super push na ipagpatuloy nila ang pagkakamabutihan . Ang ng dasal nila ay maging totohahan na ang XavMi at maging lovers sina Labrusca at Alcantara. Malala ang mga dasal, huh!

Kung sino man ang nakaisip sa paandar na ito, palakpakan na may kasamang maraming sigawan for you dahil effective ang iyong galawang pang-mag-jowa payanig. You deserve a raise and an upgrade. Hahahaha!

Kung maging totoo ba at may posibilidad na ang for reel nina Labrusca at JC ay maging for real? Hay naku. Wala akong sagot sa tanong. Mas mainam na si Zaido at ang mga Pulis Pangkalawakan ang uriratin niyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.