Jane maldita sa personal

2,093

Sa true lang, damang-dama ko na talagang papasikat na at talagang sisikat in a major, major way si Jane de Leon, ang bagong “Darna.”

Bakit kaniyo? Kasi naman, ang mga bulag na chika tungkol sa diumanong pagiging maldita at suplada niya, parang mga kabuteng biglang nagsusulputan sa mga iba’t-ibang gossip portals.

Ang nakakabaliw pa sa mga diumanong pagmamaldita ni Jane, nangyari bago siya hirangin at tanghalin na magbibigay buhay sa most iconic Mars Ravelo Filipina super heroine.

Ano ito, mga kwentong galing sa archives na parang mga biglang nabuhay na bangkay at ang ultimate balak ay paghigantihan at palubugin agad ang relatively young aktres? Mga kuwentong pinagpapasahan ng mga dalahira at katkatera na ang tanging layunin ay durugin, tibagin at yurakan ang pagkababae at pagiging babae nitong si Jane?

Sino nga kaya ang may akda sa bulag na kuwento na itong si De Leon, na inimbitahan daw dati sa isang out of town gig, eh parang may stiff neck at frozen shoulder nga ba kasi nga hindi man lang marunong mamansin, ngumiti at magbigay pugay sa mga umiistima sa kanya?

Na ito raw ang kauna-unahang artista na dinala sa kanilang kapistahan, na matapos bumaba sa sasakyan, may suot na sombrero, dark shades at dire-diretsong naglakad lamang kung saan siya hinihila na at hindi man lang marunong bumati, ngumiti o kumurap man lamang ng kanyang magagandang mga mata?

Na kahit dinala pa ito sa parlor para ayusan at mas lalong patingkarin ang kagandahan eh wala pa ring namumutawing ngiti sa kanyang mga labi at hindi nga ba ito marunong magpasalamat man lang?

Ang nakakaloka sa bulag na tsika, yung arrival at pa-parlor may effort silang likhain, pero yung tungkol sa show, walang kuwento. Meaning, maaring imbento lamang ito at nung sinalang na si Jane para aliwin ang mga manood eh talagang the best performance, sing or dance man yun, sa isang out town shindig.

Anyway, highway, ang ganitong mga drama, ay isang patotoo na ang lahat ng mga mata, lalo na yung maiinit at mapaglaro, nakasentro kay Jane. Mukhang tough cookie naman ang dalaga kaya tiyak, ikikibit balikat niya lamang ang mga bulag na chikang itibuturo na siya ang bida.

At kung sakaling dumating man ang panahon na talagang hindi na niya mapigilang magmaldita, may karapatan naman siyang magmaganda dahil maganda naman talaga siya at higit sa lahat, nasa kanya ang bato.Hindi ba Ding?

Sa mga gossip portal, sa susunod po, pangalanan niyo na ang artista, at nahuhulaan rin naman agad. Saka mas bongga po kung may quotes mula sa mga eyewitness para naman hindi masyadong halata na drawing ang chika, huh!

Vilma big isyu ang pag-snub sa MMFF

Ang official word kung di dumating ang Star For All Seasons Vilma Santos sa MMFF Gabi ng Parangal ay dahil sa wardrobe malfunction.

Ang diva that you love, nakadaupang palad at saglit na nakausap ang ilang Vilmanians na tunay na malapit kay Ate Vi at binalita ang tungkol sa kaganapan.

Siyempre, dahil Vilmanian ang inyong lingkod, hook, line and sinker, tinanggap ko ang paliwanag dahil nga mga taong may dignidad at kredibilidad ang mga nagkuwento.

Siyempre pa, ang mga duduso at dudosa, lalo na ang mga hitad, nagdabog ang bangs kasi nga hindi raw kapani-paniwala ang dahilan sa di pagdalo ni Congresswoman Recto.

Imposible raw na walang itong gown number two or three na nakahanda. Aminin na na nito na kaya ayaw nitong tumuntong sa New Frontier eh dahil napag-alaman niya na hindi darating si Nora Aunor kaya mas ginusto na rin nitong huwag na pumunta pa sa parangal.

Iba ring ang mga katwiran ng mga hitad, huh! Parang mas kilalang-kilala pa nila ang Star For All Seasons. Kayo na talaga ang pinaka-perpekto sa lahat.
Pwede bang kahit isang saglit, huwag munang kumuda at humanash. Kahit ten seconds lang po, hingang malalim, tumahimik at maging mabait.
Nakakasanayan naman po ang pagiging mabait at mabuti.

Sa tamang panahon, ang makasaysayang pagsasama nina Vilma Santos at Nora Aunor sa isang pagtitipon o gabi ng parangal, o maaring sa pelikula pa nga, kung talagang nakatakda, mangyayari ang pangyayaring iyun. (Nangyari na ang pagsasama ng dalawa sa Star Awards -ED).

Daniel hiwalay na sa dyowa

Si Daniel, hindi si Padilla of course, kundi si Matsunaga, hiwalay na raw ang dekolor at puti sa kanyang kasintahan na isang Polish supermodel.

Diumano, itong si Papa Dandan, hindi kaya ang isang “monogamous” relationship kaya naghiwalay na ang dalawa. Sa madaling sabi, sadyang, maharot,l nga ba ang Brazilian-Japanese super model na naging mag-aaral rin sa Machete School of Wooden Acting at sa Excellente Ham Finishing House.

Kung totoo nga ang chikang ito, good for the rest of the single ladies at bekis. May pag-asa na kayong mapasa-inyo ang binatang makisig at masarap.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...