Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jane papalit: Yassi babu sa Ang Probinsyano

0 2,590

NI: VINIA VIVAR

Si Jane de Leon pala ang tinutukoy sa blind item na bagong papasok sa FPJ’s Ang Probinsiyano at papalitan ang dating leading lady.

Balita kasing aalis na si Yassi Pressman sa nasabing longest-running drama series on Philippine television na pinagbibidahan ni Coco Martin.

SM food to go Banner Ad

Last Wednesday, finally ay na-meet na ni Coco set ang kanyang bagong leading lady. Ipinost ng B617 Management ang video ng pagkikita ng dalawa kung saan ay makikitang mainit na tinatanggap ng aktor si Jane.

Gagampanan ni Jane sa FPJAP ang role na Police Captain Natalia Mante at dito magagamit ng newbie actress ang mga trainings na isinagawa niya para sa Darna series.

Dito rin makikita kung talagang may “K” siyang maging Darna at for sure ay aabangan ang kanyang mga action scenes.

Sigurado namang ikalulungkot ng mga fan ng CocoYass team-up ang balitang aalis na si Yassi sa show. Balita kasing magiging super-busy ang aktres sa 2021 dahil sa mga projects na gagawin nito sa Viva.

Leave A Reply

Your email address will not be published.