Abante Tonite Interactive

Jane type mag-Darna

599

Para sa magaling na aktres na si Jane Oineza, dream role na maituturing ang iconic character na Darna na pinasikat ni Mars Ravelo.

“Halos lahat naman, pinapantasya maging Darna. Sino ba naman ang hindi nangangarap na maging Darna? If given a chance, why not?” sey niya.
Gayunpaman, ayaw niyang i-reveal kung nag-audition siya para sa role ng nasabing Pinoy super heroine.

Pero malaking karangalan daw sa kanya ‘yung may nagsa-suggest at naiisip na puwede rin siyang maging Darna.

Samantala, masaya siya dahil ang layo na ng nilakbay ng “Finding You” leading man niyang si Jerome Ponce na nakasama niya noon sa Kapamilya teleseryeng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?”

“Masaya siyang katrabaho. Nag-mature na. Ibinigay niya lahat dito sa pelikula,” sambit ni Jane sa premiere night ng natu­rang pelikula.

Ginagampanan ni Jane ang role ni Kit, ang best friend ni Nel (Jerome) sa “Finding You” na palabas na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Mayo 29. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad