Abante Tonite Interactive

Janella, babalik na kay Marlo

103
Janella Salvador at Elmo Magalona
Janella Salvador at Elmo Magalona

MATIBAY pa rin kaya ang red string na nag-uugnay kina Sam (Janella­ Salvador) at Kevin (Elmo Magalona)?

Tuluyan ba itong mapuputol?

Ngayong gabi ang live finale ng love story nina Sam & Kevin sa teleseryeng Born For You sa Kia Theater (Araneta Center, Cubao, QC).

Pagkatapos nito, balik Marnella (Marlo Mortel­ & Janella Salvador) sa bagong Mano Po ng Regal.

Ang ElNella (Elmo Magalona & Janella) eh sa Wansapanataym naman mapapanood.

Joke ng mga tao, bakit hindi ang ElMar (Elmo-Marlo) tandem naman ang subukan?

Malay mo, mag-work?

***

Nagkaproblema ba ang producer ni Kakai Bautista sa kanyang launching film dahil nagde-demand daw ito ng sariling choice ng leading man na kaiba sa gusto ng production?

At nag-threaten na raw na mag-back out sa sariling pelikula? Deadma lang daw ang produ.

***

Magkakatapat this weekend ang concerts nina Noel Cabangon sa Music Museum, Lani Misalucha & Ai Ai de las Alas sa Kia Theater, at Jason Dy sa Skydome.

Ongoing pa rin ang Ako Si Josephine sa PETA habang ang paborito ni Jeff Fernando na si Emma Cordero ay busy sa corporate shows.

Leveling, ‘di ba?

***

Presscon na ng Siphayo na ang bida ay si Nathalie Hart kasama sina Luis Alandy at Joem­ Bascon na ang hu­ling nakasama sa pelikula ay si Judy Ann Santos sa Kusina.

Leveling din, di ba?

***

Sabi ng isang official ng Dangerous Drugs Board sa news tungkol sa showbiz personalities na nauna nang nagpa-test at nag-post ng mga negative na resulta ng drug testing:

“Mas importante ang blood test kaysa drug test. May nagpapa-test na mga artista on their own pero mas mahalaga ‘yung test sa harap ng awtoridad.

“Meron kasing sistema na nagpapa-test after not taking it after some time, pero alam naman naming heavy user.

“Meron din namang may tine-take na ibang gamot para mag-negative ang drug test.

Magkakaalaman din ng totoo sa huli.”