Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella balik-alindog

0 65

NI:VINIA VIVAR

Balik-alindog na ngayon si Janella Salvador. Pursigido siya sa kanyang weight-loss program dahil nga magbabalik-showbiz siya matapos makapanganak sa baby nila ni Markus Paterson.

Hindi rin naman talaga maitatanggi na talagang nag-gain din ng weight si Janella dahil sa kanyang pagbubuntis at panganganak. At ngayong magi-isang taon na rin naman ang kanyang baby boy sa October, pwedeng-pwede na nga siyang magpapayat ulit.

Sa kanyang latest IG post ay ibinahagi ni Janella ang kanyang progress sa balik-alindog program.

“I was thinking if I should post this or not because i’m not yet where I want to be in terms of my postpartum weight-loss goals and I still have 13 pounds to go. But why not? I’m proud of my progress. Let’s go, momma,” caption niya.

Sa kanyang panayam naman para sa vlog ni Dra. Vicki Belo, ipinakita nila ang mga ginawa kay Janella para bumalik ang dati nitong looks. Nagpa-liposuction ang aktres sa arms at kinonsulta niya rin ang kanyang stretcmarks.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Janella ay sobrang excited na siyang magbalik sa pag-arte at na-miss daw niya talaga ang buong proseso ng showbiz.

Natanong nga ang aktres kung may plano ba sila ni Markus na magpakasal at sey niya, ‘yun din naman talaga ang goal pero hindi naman daw sila nagmamadali.

“We’re not pressuring each other,” aniya.

Bilang partner at ama ng kanyang anak, puring-puri ni Janella si Markus.

“You know what, people think he looks gago, people think he is because he does look gago, but he’s not. He’s such a softie! He’s very loving,” sey ni Janella tungkol kay Markus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.