Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella binalaan na ‘wag pagamit kay Julia

0 233

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos na gumawa ng kanilang reunion project ang mag-ex na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa pamamagitan ng “Love Lockdown”, naging usap-usapan ang muling pag-follow nila sa kanilang Instagram accounts.

Sa mga faney ng JoshLia, magandang balita ito dahil matagal na silang nasabik na muling makita ang kanilang mga idolo na magtambal sa isang proyekto.

Gayunpaman, may ilang kate-katera na nagsasabi na ‘pang promo lang’ daw ang ginawa ng dalawa para raw sila pag-usapan lalo’t apektado ang love team sa pagsasara ng ABS-CBN.

Lately, ipinallow na rin ni Julia si Janella Salvador na dati niyang in-unfollow noon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala mang paliwanag kung bakit in-unfollow ni Julia si Janella, ipinalagay ng ilang netizens na na-insecure raw ito lalo pa’t nag-post si Joshua noon ng picture nila ni Janella at super praise pa ito na lucky siya to find a true friend.

Matatandaang nagtambal din ang dalawa sa teleseryeng “The Killer Bride.”

Para sa ilan, hindi nila gets ang muling pag-follow ni Julia kay Janella.

Nagbabala ang ilang kibitzers na huwag daw pagamit si Janella kay Julia.

Pagtatanggol naman ng followers ni Julia, walang masama sa ginawa nito lalo pa’t kung tutuusin, matagal nang magkaibigan ang dalawa.Nanggaling din naman sila sa isang school kaya hindi na raw dapat gawan pa itong isyu.

Dagdag pa nila, hindi raw naman kailangan ni Julia si Janella dahil bigger name raw naman ito pagdating sa kanilang estado sa showbiz.

Leave A Reply

Your email address will not be published.