Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella binitbit ni Markus sa UK

0 131

Finally umamin na sina Janella Salvador at Markus Paterson sa kanilang relasyon.

Nag-post ng video si Markus na sumasayaw sila at hinalikan si Janella.

Very sweet naman ang black and white photo na post ng aktres sa kanyang IG account.Mahigpit siyang niyakap ni Markus.

Ang caption niya ay “The best hugs in the world from the best potato in the world.”

Nu’ng Sept 12 ay nag-live sa Instagram si Markus kasama ang kanyang ama habang nasa UK.

Tinanong siya kung happy ba siya.

Buong ningning niyang sinabi na masaya dahil kasama niya ang tatay niya, bestfriend at ang kanyang love of my life.

Hindi nakikita sa live si Janella pero naririnig ang boses niya.

Sinabi rin niya na may aabangan sa IG ni Janella dahil may pictorial siya ng roses.

Pinakita rin ni Markus ang bakuran nila.Ang garden ng father niya na may apple tree, may kamatis, mais, ptatao, strawberry. Meron ding fish pond.

Nasa countryside daw sila at malayo sa city.

Medyo safe daw sa coronavirus dahil wala masyadong tao.

Sa ibaba ng live ay marami ang nagtatanong kung buntis ba si Janella pero hindi ito sinagot ni Markus.

May tsismis din na diumano’y baka sa UK na ‘manganganak’ si Janella kung totoong buntis ito.

Trending din sila sa Twitter nu’ng medaling araw ng Sunday. Narito ang ilang comment ng mga netizen.

@Poppy76404820, “Guys please if you have ideas about the issue of Janella (Pregnancy) Please keep it to yourself nalang, GIVE HER SOME PRIVACY KAYA NGA SIGURO SYA PUMUNTA NG UK IF EVER TOTOO NA BUNTIS TALAGA SYA CUZ TO HAVE THEIR OWN PRIVACY, LET THEM GET WHAT THEY WANT RESPETO NALANG .”

@buttercupbabyme,”Hala ba’t yung mga super fans ni Janella super bashers na saying things like freezer na naman and know the priority sana stuff. What the hell. Let the girl breatheeeee enough with your BS. Happy sya kay Markus kahit ano pa mangyari sa career niya. Fans lang kayo know your place.”

@ comelychandria

,”Markus’ lG live just now. Hala siszt!!? Janella literally said after seeing a bug: “I almost jumped! And I can’t do that. I’m not allowed to do that.” Not the exact words though. But she really is preggy?!?!

Talbog!

Alden may bagong show

Ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards pala ang bagong mukha ng docu program na prodyus ng GMA Public Affairs.

Kung tutuusin, swak na swak para kay Alden ang nasabing dokyu dahil bukod sa pagiging artista, businessman din si Alden. At kagaya ng ibang negosyo, naapektuhan din nang husto ang kanyang food business dahil sa pandemic. Tatalakayin kasi sa nasabing dokyu kung papaano binago ng pandemya ang food industry at kung paano nga ba nag-adjust ang iba’t ibang sector upang harapin ang epekto ng COVID-19.

In demand nga talaga si Alden hindi lang sa paggawa ng TV shows kundi pati na rin sa mga socio-civic activity. Kamakailan lang ay hinirang naman si Alden bilang Anti-Covid 19 Awareness Campaign Ambassador ng Department of Health.

Sa September 27 na eere ang Lockdown: Food Diaries, 3:45 pm sa GMA Network.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.