Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella dedma na buntis

0 2,296

Nagsimula sa blind item ng Abante Tonite ang tsismis na buntis umano si Janella Salvador. Ang tinuturong ama ng kanyang dinadala ay ang rumoured boyfriend niyang si Markus Paterson.

Sa kanyang Instagram account ay nagtanong ang isang netizen sa kanyang kalagayan. Dedma lang ang young actress. Wala siyang inaamin at wala ring itinatanggi.

@john_oten, “Maam janella are you pregnant? “

@jackieghurl_,”@mschvswrck alam ng lahat ng solid fans nya mula noon hanggang ngayon na mahilig sya kumain.. and .. pag nagpost pala ng puro pagkain ngayon buntis agad? “

@abbymaegallado, “@jackieghurl_ ano pala yung sinasabi ng PA nya sa Raffy Tulfo na may pasabog na ikagugulat ng lahat, bawal pa nga lang sabihin? “

@gezellicious, “@john_oten oh my gas. Ang atomic bomb hahaha.”

@mjardynne, “@abbymaegallado true. May pinapirmahan daw sakanya na kontrata na bawal sabihin yon.”

@me_liwayfuego,”@john_oten are u serious 🤪😲”

May nag-comment pang netizen pero na-delete na: @christinelzn, “@john_oten buntis po talaga sya. Very true. Nagpa check up yan sa st lukes last 2 months na tyan nya nung feb ata.”

@yhangskieenlig018,”@christinelzn butis dw kaka live lang niya sa abs nung kailan but liit ng tiyan sexy padin.”

Humirit pa rin si @christinelzn,” @yhangskieenlig018 we’ll see.”

Bagamat walang reply si Janella sa buntis issue, ‘yung sumunod na comment ay galing sa young actress.Tatlong emoji na smiling face with heart-eyes. Hindi naming alam kung sagot ‘yun sa tanong na preggy siya o sa Tulfo issue na nireklamo siya ng kanyang PA. Dun ay masipag siyang magsasagot. Pinatulan niya ang mga nango-okray sa kanya.

@joiban,”@superjanellaa_ bayaran mo na p.a..mo dati para 3k lang e ayan papahiya k pa tuloy.”

@superjanellaa_,”@joiban HAHAHAHAHAHAHAA “@superjanellaa_,”@joiban You didn’t know the whole story, so better na manahimik. ☺️ Good luck din sayo and God bless.

@jenelyn122989, “@superjanellaa_ maatitude din eh tsk.”

@superjanellaa_,”@jenelyn122989 ngiii .”

@208pery16, “@superjanellaa_ mag bayad ka ng 3k.”

@superjanellaa_,”@208pery16 lika bigyan kita 5k .”

@lalaineadv, “@superjanellaa_ dka nga maka pag bigay ng 3k 5k pa kaya ? Patawa ka girl?? “
@lalaineadv,” @superjanellaa_ mag bayad kasi para hinde na ma tulfo .

@superjanellaa_<”@lalaineadv lika ikaw bayadan ko HAHAHAHHAHAA 10k pa.” Sinagot din niya ang young actress. @lalaineadv,” @superjanellaa no need . Hinde mo naman ako PA . Bat mo ako babayaran?” @superjanellaa_,”@lalaineadv no need maging PA ka, bayad yun para sa pagtatype mo to bash Janella. 🤣 check check din bago kumuda ah. HAHAHAHAHAHAHHAHAAHAHAHA.” Nu’ng June 24 ay sinubukan naming tanungin ang manager ni Janella na si Direk Manny Valera sa FB messenger kung totoong buntis ito pero seen lang siya. Nag-viber din kami sa handler niyang si Beth Delos Reyes Rivera nu’ng June 23 pero walang sagot. Tinanong din namin ang kanyang road manager sa Star Magic nu’ng June 26 .Ang pakli niya ay “ Katatapos lang ng shoot namin last week.Hindi naman true ‘yan.” Bukas ang pahina ng Abante Tonite para sa paglilinaw nina Janella at Markus sa buntis isyu.

 Pacquiao may pinaglalaban sa DepEd

Muling iginiit ni Senator Manny Pacquiao na dapat inclusive ang distant learning program ng DepEd sa darating na pagbubukas ng klase ng mga pampublikong eskwelahan.

“Kailangan ay walang naiiwanan sa DepEd learning program. Lahat ng estudyante ay dapat mayroong access sa mga aralin. Kaya gusto ko rin po malaman kung papaano ang sistema ng DepEd sa pagpapatupad ng blended learning na plano nila,” sey niya sa isang panayam.

Pangamba ni Pacquiao, paano na yung mga walang kakayanang bumili ng laptop o tablet lalo na ngayon na maraming nawalan ng trabaho? Paano ang kanilang pambayad ng internet connection?

“Kawawa naman ‘yung mga estudyante na sa transistor radio lang makikinig ng mga aralin. Magkakaroon ng imbalance at discrimination. Argabyado ang mga mahihirap at nasa malalayong lugar,” sambit niya.

“Alam ko po ang nararamdaman ng mga maraming mahihirap na pamilya na may anak na nag-aaral. Naranasan ko po yan kasi dyan din po ako nanggaling ,”dagdag pa ni Pacman.

Bilang solusyon, suhestyon ng Senador na gawing isa sa mga medium sa pagtuturo ang paggamit ng telebisyon.

“Halos 90% ng mga tahanan ay mayroong telebisyon. Ang gusto ko sanang malaman ay kung ano po ang nilalaman o content ng ipapalabas ng DepEd sa tv at radio sa kanilang plano? Gusto ko pong malaman din kung mayroon na po bang dedicated na 13 tv at 13 radio stations para matugunan ang pangangailangan ng mga istudyante mula kinder hanggang grade 12?” pahayag pa niya. Ayon pa kay , kung hindi pa nakahanda at nakakasiguro ang DepEd sa kanilang learning program ay mabuti pang ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase hanggang maging tiyak ang solusyon. Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.