Abante Tonite Interactive

Janella, Elmo nag-iwasan

322
tonite-pak-allan-diones
Abante Hiring – IT dep
May bagong paganap ang Star Magic, ang New Year party nila na tinawag na Pure Magic 2019 na ginanap nu’ng Sunday night sa Marquis Events Place sa BGC.

 

Mas kaswal ang suot ng mga Kapamilya star nang rumampa sa blue carpet kumpara sa pormal-pormalang ABS-CBN Ball.
As usual ay magka-date sina Daniel Padilla & Kathryn Bernardo, na naka-matching black outfit.

 

Magkasama rin ang JoshLia, na gaya ng dati ay braless na naman si Julia Barretto at nipple tape lang ang suot ito sa ilalim ng kanyang revealing top.

 

Of course, escort ni Bea Alonzo ang nobyong si Gerald Anderson. Ang ganda at ang linis tingnan ni Bea sa kanyang well-tailored velvet suit.

 

Kung black ang KathNiel ay white couple naman ang peg nina Maymay Entrata & Edward Barber.

 

Tinanghal na Star of the Night si Kim Chiu, na seksi-seksihan sa kanyang gold mini-dress. Hindi kasama ni Kim ang boyfie niyang si Xian Lim na mukhang abala sa promo ng movie nito with Louise delos Reyes.
Ang laging may inuuwing award na si Piolo Pascual ang binigyan ng Pure Lit of the Night award.
Wagi naman ang naka-neon green outfit na si KZ Tandingan ng Pure Glam of the Night award.
Solo flight na duma­ting sa event si Angelica Panganiban, hindi nito ka-‘date’ si Carlo Aquino.

 

Kuma-Catriona Gray si Barbie Imperial sa kanyang metallic dress na ang taas ng slit at li­taw ang kanyang left leg. Hindi kasama ni Barbie si JM de Guzman.
Parehong nandu’n ang estranged loveteam na sina Janella Salvador at Elmo Magalona, na malamang nag-iwasan at nagdedmahan sa party.
Dateless din si Jessy Mendiola, na unescorted ng kanyang boyfie na si Luis Manzano.
Mag-isa ring dumating sina Arjo Atayde, Shaina Magdayao at Zanjoe Marudo, na in fairness ay ang guwapo at parang ang kinis ngayon.
Si Pokwang ay very Lucy Liu ang peg lalo na ang kanyang hair na naka-taras bulba.