Abante Tonite Interactive

Janella emosyunal sa pag-iwan ng ama

770

Naging emosyunal ang Kapamilya actress na si Janella Salvador sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay.”

Kasama niyang nakapanayam ang ama na si Juan Miguel Salvador at dito nila binahagi ang pinagdaanan nila bilang pamilya.

Apat na taong gulang ang aktres nang maghiwalay ang kanyang magulang na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

Matagal rin na panahon bago sila nagkasamang muli. Humingi ng tawad ang male singer sa pagkakahiwalay nila.

Sa kanyang ika-21 kaarawan ay niregaluhan siya ng ama ng isang special ring bilang pag-alaala sa bonding nilang mag-ama. ­(Ronaline Avecilla)