Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella imbudo sa mga tsismosa

0 77

NI: VINIA VIVAR
Abang-abang na ang mga fan ni Janella Salvador sa mga bagong post ng aktres ngayon dahil nga sa tsikang nakatakda ito umanong manganak ngayong Oktubre.

Pero as we write ay wala pa namang pasabog ang magkasintahan at sa halip, nag-post si Janella sa kanyang Instagram Stories na tila nagagalit sa mga tsismosa.

“Blocking people who have no respect and have nothing else to do but gossip. I am only allowing positivity in my space,” ang post ni Janella.

SM food to go Banner Ad

Kasalukuyang nasa United Kingdom ngayon ang aktres kasama ang boyfriend na si Markus Paterson na sinasabing ama ng dinadala umano ni Janella.

Ayon nga sa tsika ay sa nasabing bansa manganganak si Janella kung saan ay naroroon din ang pamilya ni Markus, pati na ang ina ng aktres na si Jenine Desiderio.

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik pa rin ang magkabilang kampo sa pregnancy rumor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.