Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella keber na sa career

0 136

NI:ARCHIE LIAO

Bagamat matagal nang napapabalita ang relasyon nina Janella Salvador at ng boyfriend na si Markus Paterson, never naman silang nakitang sweet sa mata ng publiko.

May mga pagkakataon nga noong kahit magkasama sila ay halos itago ni Janella ang kanyang nobyo.

Naiiintindihan naman ito ng industry observers dahil may career at love team na pinangangalagaan noon ang dalaga.

Pero ngayon ay lantaran na ang relasyon nila.

Sey ng netizens, nagbago na raw si Janella. You and me against the world na raw ang drama nito at keber na sa kanyang career para pagbigyan ang kanyang lovelife.

Hirit pa ng iba, dahil boto naman ang kanyang ina sa Fil-Brit actor, hindi na rin ito nakikialam sa usapin ng puso ng anak.

Sa pagiging hayagan nila sa kanilang relasyon, marami naman ang kinilig at natuwa .

Maging ang ilang mga celebrities ay bumati at nagalak para sa dalawa.

Ilan sa mga bumati ay Maja Salvador, Sue Ramirez, Bianca Gonzalez, Kyle Echarri at Darren Espanto.

Markus sinasabong sa dyowa ni Sofia

Pero, halos durugin ng kate-katerang mga basher ang Fil-Brit actor na si Markus Paterson dahil sa isyung binuntis umano nito si Janella Salvador. Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang dalawa.

Tila di nila bet na mapunta si Janella kay Markus dahil feeling nila hindi ito deserved ng aktres.

Nakakaloka pa ang hirit ng ilang faney na nagsabing mas suwerte pa umano si Sofia Andres sa mayamang partner nitong si Daniel Miranda kesa kay Janella .Wala pa umanong regular na trabaho si Markus.

Hindi rin mamatay-matay ang isyu na sa UK na muna mamamalagi si Janella dahil ‘itinali’ na ito ni Markus dahil sa rumored pregnancy.

Dahil pandemya at walang trabaho, malamang ay doon na raw sa England manatili ang showbiz couple.

Leave A Reply

Your email address will not be published.