Abante Tonite Interactive

Janella kinuyog ng DDS

2,155

NI: ARCHIE LIAO

Hindi nakaligtas sa pamba-bash ng mga DDS ang Kapamilya actress na si Janella Salvador.

Ito ay kaugnay ng reaksyon niya sa ginagawa ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng sambayanan sa panahon ng COVID-19 epidemic.

Dismayado kasi si Janella sa nangyaring pagdakip ng kapulisan sa mga nag-rally sa isang LGU kamakailan bunsod ng kanilang nararamdamang gutom.

Hindi rin niya nagustuhan ang ginawang pag-summon ng NBI kay Pasig City Mayor Vico Sotto hinggil sa paglabag diumano nito sa Bayanihan To Heal as One Act, ang kawalan ng aksyon sa paglabag umano ni Senador Koko Pimentel sa alituntunin ng community quarantine at sa umano’y pakikipagkumpentensiya ni VP Leni Robredo sa gobyerno sa isinasagawa nitong pagtulong sa mga frontliner.

Sey niya:”This pandemic showed us how unbelievably embarassing our government is. Please .Vote wisely next time.”

Dahil dito,samu’t saring reaksyon ang kanyang natanggap lalo na sa DDS supporters na hindi siya tinantanan.

Sagot ni @sunshin11957:”You are unbelievably embarassing, too. Living in with a useless/jobless bf and a Christian at that. Kung makapagsalita, akala mo, ang linis. Santa-santita naman. ”

Banat naman ni @merlyn50754316:” Wala akong nabalitaan na tulong galing sayo. Dada lang ang alam mo.”

Hirit naman ni @TheChaiAninao:”Now, I know why you deserved to be slapped by Elmo.Hahaha.”

Sa kabila ng bashing, meron din namang bumilib sa tapang niya for speaking up her mind.

Tonite – Wendys Inhouse Ad