Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella magdedemanda sa nag-wish magka-COVID ang baby

0 513

Nagbigay na ng ultimatum si Janella Salvador sa mga bastos na bashers na pati ang inosente niyang anak na si baby Jude ay walang awang inaatake.

Sa latest tweet ng aktres, nagbanta siya ng pagsasampa ng kaso sa mga bashers.

“Social media, freedom of speech and having your own opinion DO NOT give you the right to be rude and to cyber-bully. Some of you really need to learn your lesson so be ready for your consequences. This is going to be my final tweet about the issue,” ang tweet ni Janella.

Nag-ugat ang galit na ito ng aktres nang sunod-sunod na i-bash ng netizens si baby Jude na ang pinakamatindi ay ang hiling ng isang basher na magka-COVID daw sana ang bata.

“Magka covid ka Sana baby Jude,” ang tweet ng netizen.

Ipinost ni Janella ang screenshot ng nasabing tweet at sa caption, aniya, “I have no words.”

Ipinost din ni Janella ang iba pang screenshots ng pambabastos ng ibang bashers sa kanyang anak at ipinahayag na nakahanda siyang gawan ito ng aksyon.

“I don’t want any more negativity on my page but I am in disbelief at how cruel people can really be. These were sent to us today as well. I just want you to know that I am prepared to do what is right by me and my son,” ang caption ni Janella.

Marami naman ang umayon kay Janella at in-encourage siya na ituloy ang pagsasampa ng kaso para magtanda ang mga ito’t mabigyan ng leksyon.

SM food to go Banner Ad

Matteo `nasisira ang ulo’ sa luto ng esmi

Minsan pa ay ipinagmalaki ni Matteo Guidicelli ang ginawang cake ng kanyang misis na si Sarah Geronimo.

Ipinost ni Matteo ang short video kung saan ay makikitang isine-serve niya sa mga friends nila ang Cereak Milk Tres Leches Cake na ginawa ni Sarah.

“Ladies and gentlemen, the wife made “Cereal Milk Tres Leches cake” this afternoon. And it blew everyones mind,” caption ni Matteo with matching hashtags na #proudhusband #thebestintheWORLD.

#thebestintheworld hashtag on Instagram • Photos and Videos
100k Posts – See Instagram photos and videos from ‘thebestintheworld’ hashtag

Nakakaaliw nga ang video dahil makikitang nakaabang din ang kanilang dalawang aso na hindi na nakatiiis at tinikman na ang cake.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na ibinida ng aktor ang masasarap na cake na gawa ni Sarah. Few months ago ay ipinost niya ang Lemon Blueberry Buttermilk cake ng misis na aniya ay nakasisira rin daw ng ulo.

Kung matatandaan pa rin, noon pa ay talagang mahilig na si Sarah sa pagbe-bake ng cake at nag-enroll pa siya sa baking class noong 2018.

Leave A Reply

Your email address will not be published.