Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella, Markus may pasilip sa anak

0 340

NI: VINIA VIVAR

Ito na nga ba ang tamang oras para magsalita sina Janella Salvador at Markus Paterson tungkol sa matagal nang natsitsismis na may anak na sila?

Sa kanilang magkasunod na post kahapon sa Instagram, wala kang ibang iisipin talaga kungdi finally ay umamin na sila.

Naunang nag-post si Janella na silhouette picture ng isang babae na hinahalikan ang isang baby. Obvious na siya ang nasa larawan at kung sino ang baby, well, need we say the obvious na baby niya ito?

Simple lang ang caption ni Janella pero napaka-markado. “It’s time” at nilagyan ng time na 8pm at link sa kanyang bio or main profile ng YouTube vlog.

Ang naturang YT vlog ay may pangalang M & J na obviously ay ang simula ng letra ng name nila ni Markus.

Nag-post naman si Markus ng close-up ng kamay ng baby na hinahawakan ang kanyang daliri.

At tulad ni Janella, ang caption lang ni Markus ay “8pm, link in bio.”

Sa comment section ay napakaraming bumati sa dalawa kabilang na ang mga celebrity friends nila.

“I’m so proud of you,” komento ni Liza Soberano.

Reaksyon naman ni Kyle Echarri, “love you two!!!”

Komento naman ni Alex Gonzaga, “Aaaawwww mama janella!!”

Matatandaang Sept. 2020 nang aminin nina Markus and Janella ang kanilang relasyon. Pero kasunod ng pag-amin nila ay ang espekulasyon na buntis ang young actress at ang boyfriend umano ang ama.

Hanggang sa lumabas na nga sa kani-kanilang post na nasa UK sila at hinala ng netizens ay doon manganganak si Janella lalo pa nga’t sumunood din doon ang ina ng young actress na si Jenine Desiderio.

Sinasabing October last year nang isilang ni Janella ang baby nila ni Markus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.