Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella, Markus pinulutan sa ‘hiwalayan’

0 234

SINA Janella Salvador at Markus Paterson naman ang ginagawang pulutan ng mga Marites after ng Jake Cuenca-Kylie Verzosa brouhaha.

Sa Instagram ni Markus, may post siyang, “Jude’s impromptu visitors!”na ni-like ni Khalil Ramos kaya dinagdagan ni Markus na “missed you @khalilramos.”

Ang bisitang tinutukoy ng partner ni Janella ay si Jake Cuenca.

Dito na muling umiral ang pag-iisip ng mga Mosang.

Hindi na raw nila napapansing nagkakasama ang dating happy young family sa kanilang mga post sa IG.

Kaya may nagtanong, “Hiwalay na sila?”

“Mukhang tapos na mga good words ni Mommi Janine dun sa guy…..”

Ang iba naman ay nagsasabing, “May pag-asa na si juswa!”

“Isip ko rin yan.. 😂 wala panaman kasi balak si janella magpakasal gusto niya lang anak muna.”

Hindi naman naniniwala ang isang netizen sa mga sitsit.

“As long as they’re both there for their bebe then all is well.”

“D lang nag post together break na? Ang advance naman ng mga utak ng iba hahaha”

Depensa naman ng isang faney, “Di ba pwede pareho sila May work on different schedules, di magkasabay ng off from work para May parent for their son when one is working.”

“Simula na ang pag iingay. Malapit na siguro ipalabas ang Darna.” (Si Janella ang mahigpit na kalaban ni Jane de leon bilang si Darna bilang si Valentina.)

“Nagpakamarites na din ako sa dalawang to. Very recently nagpost si markus ng story na nasa bahay na sya na kasama yun anak. At dahil may detective power ako, I checked yun previous posts ni janella sa house. Same kwarto po. And ang alam ko, markus stays in Janella’s house. Dun sila nakatira. So ayun. Well, kung anuman, basta sa aking maritesing, mukhang sila pa naman. Baka nag lay low lang sa pagiging mushy.”

“This is true. Hehe. Nagcheck din po ako.”

In-assume rin ng isang commenter na, “Pwede may locked in taping si Markus. Hinay hinay sa speculations at baka makasama pa sa relasyon nila lalo na may baby na madadamay. Hayaan natin na sila mag announce para naman napagisipan nila ng mabuti

“Viral Scandal for Markus then Darna for Jea.”

“Ang oa lang talaga ng mga tao. Lahat ba ng magpartners need always na magkasama sa mga pic? Ambabaw.”

Paliwanag naman ng isang netizen, “Mga acclaaa! Hindi sila hiwalay. May kanya-kanya silang lock-in taping kaya hindi sila nakakapagpost na magkasama. Syempre salitan sila sa pag-aalaga sa baby nila. Anuber!”

“Si Markus doon pa din nakatira sa bahay ni Janella…So for sure,sila pa din…”

“Mga momshee at sissies. Di naman porket hindi nagpopost eh, hiwalay na. :)”

Ibang klase na talaga ngayon ang henerasyon lalo na pagdating sa social media.

Bawat galaw ng celebrities ay namo-momitor ng mga Mosang.

Hindi lang nakikitang magkasamasa mga posting dahil nasanay sila sa dati rating ginagawa.ng mga celebs couple ay binibigyan agad ng kahulugan st pinangungunahan ng baka hiwalay na.

Well that’ showbiz life. Walang sustansiya kung walang intriga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.