Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella, Markus ‘wag husgahan sa ‘buntisan’

0 177

Babagsak pa ba ang mga collective panga natin tungkol sa chikang buntis umano si Janella Salvador at ngayong Oktubre manganganak?

Babae naman siya at hindi transwoman kaya hindi kataka-taka at walang tuliro factor ang kanyang pagdadalantao kung may katotohanan nga ang kung sino mang source.

Hayag naman kung sino ang kanyang kasintahan, si Markus Peterson.

Kaya masasabi na natin ngayon na manufactured pala talaga ang closeness ni Salvador kay Joshua Garcia. Bet na bet pa naman ni Maja Salvador ang closeness nina Janella at Garcia.

Sa true lang, kahit anong pangaral ni Jenine Desiderio sa anak tungkol sa pagmamahal, at kahit pa anong kantiyaw ng tatay ni Paterson na to always fasten his condom, ang magsing-irog emotionally healthy and ready to face the consequence of their actions.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Is Salvador’s ‘pregnancy’ a cautionary tale? Of course! Dapat pa rin talagang ang mga anak ay gabayan, kausapin tungkol sa romansa at maagang pakikipagtalik. Madaling sabihin na pwede namang iwasang mabuntis sa panahon na ito.

Mas madaling isulat sa tubig ang pangako na I will only give up my virginity pag ako ay ikakasal na sa man or woman of my dreams. Ang hindi madali, ang hindian ang meeting of the heart .

Sa mga konserbatibo na hindi pa rin katanggap ang being pregnant without the benefit of marriage, millennial times na po at case to case basis ang lahat. Mas panalo pa rin ang pagtanggap na a baby is a blessing kesa sa ipatanggal ito, hindi ba naman?

May karera pa bang babalikan sina Salvador at Markus after the arrival of their baby kung true ng na buntis, ha?! Oo naman. Lalo na kung may talent talaga. Mas huhusay baga sila lalo sa pagganap lalo na nga’t kung totoo na magiging magulang na sila.

Huwag na nating husgahan pa sina Janella Salvador at Markus Paterson kung sakaling totoo nga ang buntisan.

At their age, hindi lang sila mapusok, marupok pa talaga. Ang importante they are together, kasama ang kanilang mga magulang, na harapin ang bagong umaga ng kanilang mga buhay. Sa true lang, nagmamahal lang sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.