Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janella, Markus walang kasalan

0 97

Wala pang kasalang aabangan kina Janella Salvador at Markus Paterson kahit may Baby Jude na sila ngayon.

“Wala pa, hindi kami nagmamadali about that,” sey ni Janella sa panayam ni MJ Felipe for TV Patrol, “so for now, ‘yung focus namin is to raise Jude muna.”

Sa nasabing panayam ay ipinaliwanag din ni Janella kung bakit itinago nila sa publiko ang kanyang pagbubuntis.

“I wasn’t hiding it for selfish reasons. Pero I wanted to hide it because I wanted to cherish the moment in my life, na first time kong maging mom. ‘Yung wala munang ingay. ‘Yung may sarili muna ‘kong moment to enjoy it.”

Pero aminado rin siyang hindi rin naging madali for her dahil may mga komento rin daw na hindi magaganda.

“It was really hard because of course, I was getting comments din na ‘kinahihiya mo ba?’ ‘hindi ka ba proud?’ ganyan. I don’t think any mom would want to hide her baby.”

Naging maayos daw ang kanyang pagbubuntis at thankful siya na hindi sila nagka-COVID.

“But it was scary,” sambit niya.

Thankful din siya sa inang si Jenine Desiderio na lumipad din patungong United Kingdom para alalayan siya sa pagbubuntis. And of course, labis din ang pasasalamat niya sa boyfriend na talagang asikasong-asikaso’t alagang-alaga siya.

“Markus has been really, really helpful – as a father and as a partner, both. Because emotionally, he was there to support me when I would have meltdowns or whatever. It’s really not easy.

“He would be my arms and legs, lalo na during my last few stages of pregnancy. Hindi ako makatayo, hirap na hirap na ‘ko maglakad. Wala siyang reklamo. He would do everything for me. Yeah, I couldn’t ask for more,” she said.

Sa Pilipinas daw nila gustong pabinyagan ang kanilang baby at marami na raw nagpiprisintang maging ninong at ninang.

Sobrang ine-enjoy daw niya ang pagiging mommy at marami na nga raw siyang nagagawa ngayon na dati’y hindi niya ginagawa.

“I learned how to become domesticated. Naglalaba na ‘ko ngayon. I honestly enjoy every bit of taking care of Jude,” aniya.

Baguhang aktor pumalag na dawit sa Christine case

Umalma ang newbie actor na si Ali King sa mga netizen sa TikTok na pinagbibintangan siyang pumatay umano sa flight attendant na si Christine Dacera.

Magkaibigan pala sila ni Christine at may mga lumang videos sila together sa TikTok. Ito ang naging basehan ng ilan para idamay si Ali sa mga suspect.

Nag-post ng screenshots si Ali ng mga comments sa TikTok na pinagbibintangan siya at tinawag pa siyang rapist umano at walang konsensya.

“Got these comments on Tiktok just because I’m friends with Tin Dacera and appeared in old TikTok videos with her. I love her and I was heartbroken to learn of her death,” ang caption ni Ali.

Nagpaliwanag ang newbie actor na nasa bahay daw siya noong Bagong Taon at hindi kasama si Christine.

“I was at home for the New Year and was nowhere near the hotel where she died yet people still managed to say these things to me. I hope we learn how to be responsible with what we say online and to educate ourselves first before making conclusions,” tweet pa ng bagitong aktor na nagbida sa BL (Boy’s Love) series na Boys Lockdown.

May abogado namang nag-comment at sinabihan si Ali na tutulungan siya nito sakaling gusto niyang mag-file ng cybercrime case dahil paninira raw ito sa reputasyon at pangalan ng isang indibidwal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.