Abante Tonite Interactive

Janella nagmukhang losyang kay Markus

805

Walang post sina Janella Salvador at Markus Paterson sa social media na magkasama sila, pero madalas silang mapagkikita together kaya may tsikang magsyota na ang dalawa.

Ang recent sighting sa kanila ay sa bahay ni Dominic Ochoa, na gumanap na tatay noon ni Janella at ang misis na si Denise Go-Ochoa ay makeup artist ni Janella.

Malamang, sinama lang daw ng Kapamilya actress ang boyfie nitong si Markus.
Balitang last year pa hiwalay ang Fil-Brit model-actor na si Markus kay Ylona Garcia at sina Janella at Markus na raw since March pa.

Abante Hiring – IT dep

In fact, pinakilala na raw ng tisoy na binata si Janella sa pamilya nito at nakunan pa sila ng pic na lumabas din sa social media.

Nu’ng April ay may magkaparehong post ang dalawa na dagat ang location nila, pero wala silang post na magkasama sila.

Pansin ng ilang mga netizen, mukhang lovelife ang pinagkakaabalahan ng 21-anyos na si Janella at ng 20-anyos na si Markus dahil pareho silang hindi busy sa kanilang mga career.

Si Markus ay parang priority raw talaga ang babae kesa trabaho, na sayang naman kung totoo dahil promising naman ang binata at okey siya nang mapanood namin sa pelikulang “Ang Babaeng Allergic sa Wifi.”

Nagkasama ang MarNella (Markus + Janella) sa isang episode ng “MMK” at doon daw nagsimulang maging close ang dalawa.

Comment ng ilang malditang netizen, bakit daw hindi mukhang bloo-ming si Janella ngayong balitang boyfriend nito si Markus?

Parang hindi raw ito nag-aayos at tila nagmukhang losyang. At saka downgrade daw si Markus kumpara sa mga na-link kay Janella na sina Marco Gumabao at Elmo Magalona.

Eh kung inlabey sa isa’t isa ang MarNella, ano bang kebs n’yo, ‘di ba? PAK!!

Jerome nilamon ni Jane

Hindi nahihiyang aminin ni Jerome Ponce na bobo siyang umarte dati at wala raw siyang kaalam-alam.

Nang magkasama raw sila ni Jane Oineza sa teleseryeng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?” nu’ng 2015 ay nilalamon daw siya ni Jane sa aktingan dahil ang galing nitong artista.

“Lamon na lamon dahil si Jane Oineza ay actress!” sey ni Jerome na bida sa Regal movie na “Finding You” katambal si Jane.

Na-excite siyang makatrabaho ulit si Jane dahil ngayon ay may kaalaman na raw siya sa pag-arte at natutuwa siya na kaya na niyang makipag-usap kay Jane through acting.

Hindi niya raw sure kung kaya na niyang makipagsabayan sa galing ni Jane pero kaya na raw niyang umintindi ng eksena at kaya na niyang um-adjust.
Masarap daw na kaya na nilang kontrolin kung mataas ba o mababa ang level ng akting nila sa mga eksena.

Kasama rin nila sa movie si Barbie Imperial na naka-work noon ni Jerome sa isang episode ng “Ipaglaban Mo.”

“Chill lang kami no’n ni Barbie, hindi pa kami ganu’n ka-close masyado pero nag-uusap kami.

Asaran lang.

“Eto ngayon, as in asaran kami totally, pero pagdating sa work, okey kami. Sabi ni direk, ‘Alam n’yo, okey kayo, ah? Ang galing n’yo rin, ah? Matagal na ba kayong magka-work?’

“So ako, natuwa ako na may mga ganu’ng tao na nagkakaroon kayo ng connection sa trabaho. Like sa amin ni Jane at kami rin ni Barbie,” pakli ng 23-anyos na binata.

Sa “Finding You” ay ex-GF ni Jerome si Barbie na akala niya ay ‘the one’ niya. Best friend niya si Jane, na halos hindi niya pinapansin pero ito pala ang kanyang tunay na ‘the one.’

Sa May 29 ang showing ng very millennial na romantic drama na dinirek ni Easy Ferrer.