Abante Tonite Interactive

Janella sinisi sa pagkatalo ni BidaMan Ron

1,366

tonite-this-is-it-roldan-castroNaloka kami kay Janella Salvador. Hindi niya binigyan ng highlight ‘yung ka-partner niya sa BidaMan finalist ng “It’s Showtime”. Siya ang daldal nang daldal. Dapat hinayaan niyang mag-shine ang Madlang Pipol Choice na si Ron Macapagal. Hindi naman siya ang bibigyan ng score. Nawalan na ng oras nu’ng eksenang mabigat na at aarte na si Ron na kabilang sa Top 6.

Maraming agree sa napansin namin.

Comment nila sa Facebook:

Nimfa F. Chua, “Ay true, magaling pa naman ang ka eksena niya. Sayang siya pa ang nakapartner. Akala ata ni janella, cya ang bibigyan ng score.. bawi na lang si ron sa big project. Iwasan niya si janella.”

Romm Burlat, “Si Janella ang Ultimate Bida Man. Janella Salvador & Johnron Ramos Macapagal are both Regal babies. But she’s insensitive. She already has her name but she’s stealing the thunder from the contestant. How could you Janella?”

@Mojack Perez, “ Totoo…. Naawa ako sa contestant.”

@Rommel Lasam Placente, “napanood ko fren mas umakting nga si janella hindi niya inalalayan sj ron.inpernes magaling umarte bagets pero d siya halos pinaarte ni janella! sayang!”

Sa anim na pumartner sa Top 6 ng Bidaman gaya nina Maris Racal, Jane Oineza, Yassi Pressman, Denise Laurel, Elisse Joson, si Janella ang pinaka-waley. Hindi siya nakatulong sa contestant.

Ang ending, laglag sa Top 3 si Ron na nakita naming magaling umarte nu’ng daily winner pa lang siya.

Anyway, nagwagi si Jin Macapagal, 24 years old ng Cebu City bilang first BidaMan noong Sabado. Nanalo siya ng management and movie contract, house and lot, pick-up truck at P1 million cash prize.

Isasama rin siya sa upcoming movie nina Vice Ganda at Anne Curtis sa Metro Manila Film Festival.

Ang mga naging hurado ay sina direk Bobet Vidanes, Joshua Garcia, Edu Manzano, Angel Locsin, Ian Veneracion, Nadine Lustre at direk Ruel Bayani.
Ang grand finals na ito ng Bidaman ay trending worldwide.

MHILES tamang timpla ang alindog

4th runner-up ng Miss Tourism Philippines 2019 si Mhiles Cabusas Villanueva ng Quezon Province. Siya ay 19 years old. May sukat na 32-24-36, may taas na 5’5”.

Ms. Tourism Philippines Filipiniana winner din siya.

Ang kagandahan at kaseksihan ni Mhiles ay epektib na pampainit ng dugo ng mga kalalakihan ngayong tag-ulan.

Hindi kulang, hindi rin sobra. Tamang-tama lang ang kanyang alindog sa panlasa ng mga barako.
Pak!