Abante Tonite Interactive

Janella split na kay Markus

2,628

Break na nga ba si Janella Salvador at si Markus Paterson?

‘Yun ang chika ng aming reliable source. Single na raw ulit si Janella dahil hiwalay na ito at si Markus.

Kaya raw nanliligaw na si Joshua Garcia kay Janella dahil wala na itong boyfriend.

The last time na mainterbyu namin si Janella ay sinabi nitong ‘what you see is what you get’ sa kanila ni Markus at obvious na inlabey silang dalawa that time.

Mula nang magklik ang JoshNella loveteam sa “The Killer Bride” at tila wala nang sightings kina Janella at Markus samantalang dati ay madalas silang spotted kung saan-saan.

Ang sabi naman ng isang close kay Janella na tinanong namin tungkol sa hiwalayan issue, hindi raw siya sure tungkol sa breakup, pero ang alam daw niya, sobrang bait at lambing ni Joshua kay Janella nu’ng taping ng “The Killer Bride”.

Matutuwa ang JoshNella fans kung magkakaroon ng relasyon ang dalawa. In fairness ay ang daming nagsasabing bagay sila.

Magkatambal ang JoshNella sa episode ng “MMK” sa Sabado at nag-ensayo pa sila ng cheerleading routine para rito.

Kilig-kiligan ang fans ng dalawa sa video na nagre-rehearse ang mga ito na nagdidikit ang mga katawan, tapos ay tumalon si Janella at kinarga ni Joshua.

Ang bongga ni Joshua dahil after nilang mag-break ni Julia Barretto (na dating close friend ni Janella) at mabuwag ang JoshLia ay nakahanap siya ng bagong ka-partner na ang lakas ng chemistry nila at gusto sila ng fans.

Si Janella rin ay nakabawi nang bongga after ng naunsyaming pag-iibigan at nabuwag ding loveteam nila ni Elmo Magalona. Parang nagswak talaga ang dalawa.

Ang dinig namin ay si Janella ang gusto ni Direk Chito Roño para sa isang female character na tila magiging kapareha ng karakter ni Joshua sa pelikulang “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan”.

Sana nga ay makuha ng Regal si Janella para lalong ma-push ang JoshNella at magka-movie na rin sila.

Hindi kami magtataka kung one of these days ay maging magsyota na ang dalawa o ‘what you see is what you get’ na rin ang drama nila.

Ang haba ng hair ni Janella dahil isa pang umamin na attracted sa kanya ay si Sam Concepcion. Iba ‘yung karisma ngayon ng Janella, huh!

PAK!!

Kanta nina Alcasid , Ocampo paawa campaign

Nag-collab sina Ogie Alcasid at Louie Ocampo sa isang original song na dedicated sa mga Kapamilya, na medyo hanging pa ang sitwasyon ngayon dahil sa issue ng kanilang franchise renewal.

Simple pero may himig ng lungkot ang nasabing awitin, na alay nina Ogie sa mga tagasuporta ng ABS-CBN.

Nabanggit niya ang mga tunay na Kapamilya sa Luzon hanggang Mindanao, maging sa buong mundo na nagkakaisa.

“Hindi malilimutan ang inyong pagmamahal,” ang inulit niyang linya sa bandang dulo ng kanta.

May mga nag-comment na it’s a beautiful song, pero may mga nang-okray din dito.

Hirit ng ilang netizens, nauumay na raw sila sa mga paawa epek ng Kapamilya network at ng mga artista nito.

Ang kanta raw nina Ogie at Louie ay part pa rin ng paawa campaign ng mga taga-Dos, pero ang mas dapat daw sigurong gawin ng mga Kapamilya singer ay mag-“We Are The World” doon sa gitna ng EDSA.

Kalerky! Ang harsh, huh!

‘Sabagay, na-master na ni Ogie ang art of deadma pagdating sa bashers na walang ginawa kundi mambuwisit ng kapuwa lalo na ng celebrities.

xxx

Excited kaming manood ngayong gabi ng reunion concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera na “Twogether Again” sa The Theatre at Solaire.

Gaya ng US tour nila late last year ay ka-join din sa shows nila every night sa Solaire ang panganay nilang si Robin.

Sayang at hindi ka-join ang son ni Martin na si Santino na naka-jamming nila sa mga show sa Amerika.

Nasa States kasi si Santino at saka baka hindi rin daw ito bagay dahil Valentine ang theme nila, sabi ni Martin.

Medyo emotional si Martin ‘pag napag-uusapan ang anak niya kay Katrina Ojeda na si Santino, who is on the spectrum.

But he is so proud of him dahil bukod sa nagda-drums ay kumakanta rin pala ang 13-anyos na si Santino.

At pitch perfect daw ito tulad ng brothers nitong sina Robin at Ram, samantalang sila raw ni Pops ay hindi ganu’n.