Abante Tonite Interactive

Janelle Tee wagi na Miss Philippines Earth

377

Nasungkit ng Miss Earth – Pasig na si Janelle Lazo Tee ang korona bilang Miss Philippines Earth 2019. Tinalo niya ang 39 kandidata sa ginanap na Grand Coronation Night nitong Miyerkoles, July 10 sa The Cove, Okada, Manila.

Ipinasa sa kanya ni Miss Philippines Earth 2018 Celeste Cortesi ang korona. Tinanghal naman na Miss Philippines Air si Ana Monica Tan mula sa Tagoloan,

Misamis Oriental, Miss Phili­ppines Fire si Alexandra Dayrit ng Marikina
City, Miss Philippines Water si Chelsea Fernandez ng Tacloban City at Miss Philippines Eco-Tourism si Karen Nicole Piccio ng Maasin, Iloilo. (Ronaline Avecilla)