Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janice bet ipalit kay Karla

0 133

Sa Instagram ni Janice de Belen, may post siya na magiging guest co-host sa Magandang Buhay for a week. Makakasama niya ang momshies na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na tatagal hanggang Biyernes.

Kinongratulate naman siya ni Enchong Dee.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga netizen ang kanyang post.

Hirit ng ilang mahadera, sana raw ay maging mainstay na ito sa naturang show kapalit ni Karla.

Nag-trending kasi ang #YakapParaSaKathNiel dahil nahahati ngayon ang faney nina Kathryn at Daniel. Ito’y dahil sa desisyon ni Karla na kumandidato bilang party list na ang representante ay ang asawa ng House Minority leader na bumoto para mawalan ang prangkisa ng ABS-CBN.

May mga miyembro kasing solid pa rin, meron namang very vocal na ayaw nilang suportahan ang nanay ni DJ.

Sey ng mga netizen sa post ni Janice.

Binibiningbarang: Guest co-host? Sana di lang for the week.

dimpzesco:What a good replacement for KE….now I can watch this show again….

Iloveanggellaandpapa_feyfey: BEST CHOICE for the show.

livelovelife_texas: sana permanent na sya.

lyzswainson: Congrats po. Sana kayo na mag main stay kasama sina momshie jols and melai.

Vic hindi kakampi ang anak

Iniintriga ng ilang kibitzers ang Instagram post ni Paulina Sotto, ang anak ng komedyante at Eat Bulaga host na si Vic Sotto.

Buong ningning kasi niyang ibinahagi ang isang litrato kung saan nakasuot siya ng pink mask at may caption itong : #LABANLENI2022.”

Nakakaintriga rin ang mensahe niyang: “FYI. You are not obliged to support or promote someone simply because you are related to them or have connections to them. Enough is enough. It’s time to focus on what our country needs. #LetLeniLead,” sey niya.

Hirit tuloy ng mga mahadera, kung si Vic ay suportado ang partido ni Tito dahil kapatid niya ito, hindi naman niya kakampi ang kanyang daughter na si Paulina.

Ciara nasaktan kay Kiko

SM food to go Banner Ad

Matatandaang kamakailan lang ay naglabas din ng kanyang saloobin si Ciara Sotto sa pagkandidato ni Senator Kiko bilang VP kalaban ang ama sa vice-presidential race.

Ani Ciara, napaiyak daw siya dahil aminado siyang nasaktan at na-disappoint.

Usap-usapan din ang kanyang emote sa kanyang Facebook account na : “The best thing about the worst time of your life is that you get to see the true colors of everyone.”

Direk Lauren nag-emote sa mga lumayas

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang online talk show na “Toni Talks” ang Star Magic head na si Laurenti Dyogi.

Isa sa mga naitanong sa kanya ay ang assumption ng mga netizen na siya ang boses sa likod ni “Kuya” ng Pinoy Big Brother.

Ani Direk Lauren, hindi raw naman niya masisisi ang mga tao na mag-isip nang ganoon dahil siya ang director ng nasabing programa.

Aminado rin siyang malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang kanyang inilaan sa PBB

“I’ve denied it. People will believe, people will not believe. I think the essence, I think the imprint in the beginnings of Pinoy Big Brother because I was the one ‘di ba ‘pag may kontrobersya ako ‘yung haharap. Tapos I think ‘kuya’ is a good mimic. My intonation, my inflection. Because at the beginning, I was really the one in control creatively,” paliwanag niya.

“Malaki po ‘yung parte ng pagkatao ko na napupunta kay kuya at napupunta doon sa programa because I was really in control..And at that time, It was really my baby, what I breathe day in day out,” pahabol niya.

Ayon din ng Star Magic head, hindi rin naging madali sa kanya ang mga kaganapan sa ABS-CBN mula nang idinenay ang renewal ng prangkisa nito.

Nagkaroon daw siya ng sleepless nights at anxiety attacks. Iniisip niya ang magiging epekto nito sa network.

Pero,sa kabila ng mga pangyayaring ito, mas marami raw siyang nadiskubre bilang director.

“Kung hindi rin po dahil sa shutdown, hindi kami makakadiskubre ng ibang paraan ng paggawa. Kasi naka-concentrate kami sa free TV for the longest time. Ngayon forced ka maghanap ng pera… forced kang gumawa ng paraan,”pahayag niya.

Naglabas din siya ng kanyang saloobin tungkol sa mga piniling lumisan at manatili sa network .Ito’y sa kabila ng matinding pagsubok na hinaharap.

“I suppose when the boat is sinking, you can’t expect everybody to stay in the boat, to stay with you… As I said, tao ako, masakit talaga. Especially doon sa mga taong kinausap ko na one, two or three times. Masakit talaga, sana lang… from the onset, sabihin mo na lang na hindi mo kaya,”pagbabahagi niya.

“Hindi ko na controlled ang utak at puso ng ibang tao. May priorities sila, may priorities din naman kami. Hindi siguro nagtugma at this point. I will wish them well. I will wish them the best,”dugtong niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.