Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janice, Inah sanib-puwersa sa pagsulong ng buhay

0 66

NI : Roldan Castro

Todo ang pagpapahalaga at pagsulong nina Janice De Belen, Miriam Quiambao, Dianne Medina, Nicole Donesa, Jeffrey Santos, Maxine Medina, Arny Ross, Jan Marini, DJ Jai Ho, Inah de Belen sa kahalagahan ng buhay.

Join din ang mga celebrity athletes, Melissa Gohing at Peter June Simon sa Buhay Partylist.

Buong ningning ang kanilang mga video endorsement.

Personal ang pag-endorso nila na sana’y itulak si Buhay sa nangungunang 10 sa mga partylist.

“Masaya kami sa pag-endorso sa Buhay Partylist ni Dianne Medina, na nagsisilbi din pala sa kanilang parokya, sa pamamagitan ng isang video para sa amin. Tapos marami sa mga kaibigan niya sa showbiz ang nagbigay na rin ng suporta sa amin, pagkatapos nun,” ani Chi Valedepeñas, asawa ng unang nominado ni Buhay, na si Von Valdepeñas.

Si Chi Valdepeñas ay isa ring celebrity, bilang isang anchor at TV host.

Dahil sa mahigpit na pro-life at pro-God na mga adbokasiya ng Buhay, sinabi ni Valdepeñas na ang pagkuha ng mga showbiz celebrity endorsers para sa kanila ay isang mahirap na gawain. Gayunpaman, nang dumating sila, hindi lamang sila umaangkop sa paninindigan ng Buhay kundi kinatawan din nila ang iba’t ibang sektor, tulad ng pamilya, layko,mga atleta,mga artista, mga negosyante, mga ama,mga ina, mga bata,

Leave A Reply

Your email address will not be published.