Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Janice inurirat sa secret sex affair

0 2,034

NI: ROLDAN CASTRO

Nabigo ang ace photographer na si Raymund Isaac na may bombang sasabog sa kanyang tanong kay Janice de Belen. Ito ay sa kanilang Midnight Snack online tsikahan.

Bagamat nahihiya si Raymond ay nairaos niya ang tanong na

“Do you have a secret sex affair?” Ito ‘yung hindi masabi sa mga kaibigan at maipakilala.

“I think I was too busy,” diretsong pakli ni Janice.

Bet ba ng aktres na magka-bofyriend ulit?

“Alam mo minsan…minsan parang masaya, pero there are times na iniisip ko especially now marami akong kaibigan na laging may problema sa boyfriend, parang ’di ko na yata kaya ng ganyan,” sambit niya.

Inamin din niyang selfless siya pag may dyowa dahil iniisip din niya kung magseselos ba ito sa gagawin niya, malulungkot ba ito? Hindi rin daw niya ma-enjoy kung nagta-travel siya dahil gusto niya sana kapiling niya ito.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.